Nag-rally imbes pumasada... 34 PUV operators, lagot sa LTFRB
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | Julye 2, 2026

Photo: LTFRB
Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 34 na operator ng Public Utility Vehicles (PUV) matapos umanong lumahok sa kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa EDSA sa halip na magbigay ng serbisyo sa mga pasahero.
Sa inilabas na show-cause order, kabilang sa pinadalhan ang ilang bus at UV Express operators na hinihinalang hindi bumiyahe noong Martes.
Inatasan ang mga operator na magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o kanselahin ang kanilang prangkisa dahil sa umano’y paglabag sa umiiral na Memorandum Circular No. 2011-004 na nagbabawal sa paghinto ng operasyon bilang anyo ng protesta. Nakatakdang isagawa ang pagdinig sa kaso sa Hulyo 9.





Comments