top of page
WINNER - MALE FAN, NAG-PROPOSE KAY ALEX EALA SA HARAPAN NG PADIR_FB Alex Eala.jpeg

Nag-post lang ng piktyur nila ng direktor… SARAH, DAMAY SA GALIT NG MGA ANTI-DDS KAY DARRYL YAP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | August 29, 2026



BULGARY - SARAH, DAMAY SA GALIT NG MGA ANTI-DDS KAY DARRYL YAP_FB Sarah Lahbati.jpeg

Photo: FB Sarah Lahbati



Bina-bash si Sarah Lahbati matapos niyang magbahagi ng larawan na kasama si Darryl Yap.


Kamakailan lamang, pinag-usapan ng mga netizens ang larawan ng aktres kasama ang direktor, na nilagyan niya ng caption na: “Mahal kong direktor (sabay tag sa Facebook ni Darryl Yap).”


Wala nang ibang detalye si Sarah tungkol sa larawan, ngunit nakatanggap ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens.


Kabilang sa mga bumatikos kay Sarah ang ilang anti-DDS (Duterte Diehard Supporters) dahil sa pulitikal na paninindigan ni Darryl, na kilala sa kanyang pagsuporta sa mga Duterte.


May ilang netizens din na nagkomento tungkol sa personal na buhay ni Sarah, kabilang ang paghihiwalay nila ni Richard Gutierrez, habang may ilan namang nagtanggol sa celebrity mom.


Anila, posibleng may proyekto lamang si Sarah kasama si Darryl at hindi na kailangang iugnay pa sa isyung pampulitika.


Samantala, may konkretong dahilan kung bakit magkasama ang dalawa. Inanunsiyo ng Viva Films na kabilang si Sarah sa cast ng VHS, ang unang horror film ni Darryl bilang direktor. Makakasama rin niya sa pelikula sina McCoy de Leon at Sachzna Laparan.


Tiyak na aabangan ng madlang pipol ang magiging usapan tungkol sa kanilang pagsasama sa bagong pelikula.





Kung ang mister, pinagsisilbihan siya…

BEA, AMINADONG TODO-YAKAP AT ‘I LOVE YOU’ KAY VINCENT



NAGBAHAGI si Bea Alonzo ng matatamis at nakakaaliw na detalye sa buhay-may-asawa nila ni Vincent Co.


Sa isang kamakailang event, naging bahagi ang aktres ng isang prangkahang question-and-answer game habang nakakonekta sa isang lie detector device, kung saan napag-usapan ang kanilang relasyon at kung paano nila ipinapakita ang pagmamahal sa isa’t isa.


Nang tanungin tungkol sa kanilang dynamics bilang mag-asawa, natatawang inamin ni Bea na siya ang mas clingy.


“Oo, mas clingy ako…” sey niya nang nakangiti.


Dagdag pa niya, magkaiba raw ang kanilang love language ni Vincent, pero sa halip na maging hadlang, nakatutulong umano ito para balansehin nila ang isa’t isa.


“Magkaiba kasi kami ng love language. ‘Yung love language n’ya are acts of service and quality time. Ako naman, physical touch and words of affirmation,” ani ng aktres.


“So, we show our love in different ways. Ako, ‘yung mga ‘I love you’, mga massage, and yeah, ma-hug,” dagdag pa niya.


“Oo, masaya talaga ako, nasasabik akong umuwi para makita s’ya. Gaano man kagulo ang mundo, alam kong may naghihintay sa akin sa bahay na nagmamahal sa akin,” buong pagmamahal na pagbabahagi ni Bea at saka tumawa.


“But yeah, I’m enjoying this chapter of my life 100%,” aniya pa.

Naghiyawan naman ang mga tagahanga at dumalo sa event matapos marinig ang masayang pagbabahagi ni Bea tungkol sa kanyang married life. 


Well, dati nang ibinahagi ni Bea kung bakit pinili nilang maging intimate at pribado ang kanilang civil wedding ni Vincent.


Ipinaliwanag niyang hindi naman nila itinago ang kasal, nais lamang daw nilang maging simple at ituon ang espesyal na araw sa kanilang dalawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page