Nag-post daw ng malalaswang videos... AJ, ANGELI, AYANA AT AZI NG VIVAMAX, KAKASUHAN
ni Julie Bonifacio @Winner | October 12, 2023

Nakahandang sampahan ng criminal case ang mga Vivamax stars na sina Angeli Khang, AJ Raval, Ayana Misola at Azi Acosta ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI).
Ayon sa KSMBPI, may basis ang paghahain nila ng criminal case kontra sa Vivamax A-listers dahil sa paglabag daw ng mga ito sa Article 201 of the Revised Penal Code in relation to Cybercrime Law ( R.A. 11075).
Ipinost daw kasi ng mga ito sa kanilang verified personal socmed accounts (hindi Vivamax account) ang mga sinasabing obscene videos at itong mga personal accounts nila ay bukas sa publiko, na kahit ang mga bata ay puwedeng makapanood.
“KSMBPI is again exercising our legal rights to avail of the full force of the law versus those who violate it, most especially in social media. These violators if not stopped can contribute to the moral decay and anarchy in all our online platforms,” panimula ng kanilang opisyal na pahayag.
Pagkatapos nito, marami pa raw sasampahan ng criminal case ang KSMBPI, but this time, hindi lang ang mga content creators kundi kabilang din ang malalaking producers.





Comments