top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nag-lips-to-lips sa kasal… DOMINIC AT BEA, TINAWAG NA MR. AND MRS. ROQUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 6, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | April 6, 2022




Parang sina Dominic Roque at Bea Alonzo ang ikinasal sa dinaluhan nilang kasal kamakailan dahil may kissing scene rin silang dalawa habang nagsasayaw. Kaya tuwang-tuwa ang BeaDom fans at lalong wini-wish na sana, ikasal na ang dalawa ngayon na!


Ipinost ni Dominic sa kanyang Instagram story ang lips-to-lips nila ni Bea at maririnig ang mga comment na “Ay, ano ba ‘yan?” at “Nakakakilig naman.”


Lalong kinilig ang BeaDom fans nang pagkatapos mag-kiss, tumingin sila sa kumukuha ng kanilang video at ngumiti nang pagkaganda-ganda. Ang caption tuloy ng mga fans sa post ni Dominic ng kissing photo nila ni Bea ay “Mr. and Mrs. Roque."


Sa post naman ni Bea ng larawan nila ni Dominic, ang sabi nito, “Had the honor to witness two people committing to a lifetime together. Congratulations! It was such a beautiful afternoon spent with amazing people. Weddings truly bring out the “hopeless romantics” in us."


Para sa mga fans, hindi na raw mahihirapan sina Bea at Dominic na maghanap ng venue kapag sila’y ikinasal dahil malaki ang Beati Farm nina Bea sa Zambales. Kahit daw ilang bisita ang imbitahan ng dalawa, kakasya sa farm kahit mag-observe pa ng social distancing.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page