ni Ambet Nabus @Let's See | Sep. 30, 2024
“Kailangan talagang mag-ingay," sey ng mga supporters ni Pia Wurtzbach na naniniwalang "Queen of Socmed" para sa kanila ang dating Miss Universe.
Ang socmed daw kasi ang nagsisilbing platform ngayon ni Pia para sa kanyang mga activities lalo na kapag may kinalaman sa mga international fashion events niya gaya ng recently concluded L'Oreal fashion show sa Paris.
May mga hanash pa ngang kine-claim ang sikat na designer na si Mark Bumgarner na si Pia ang kauna-unahang Pinay ambassador ng naturang brand na rumampa sa event. Ito ang tila tugon sa nag-viral na post ni Leyla Bloom, isang Fil-Am trans at sikat na model sa US na may claim na siya ang unang Pinay model na rumampa sa sinasabing sikat na fashion brand at event.
"Eh, ano naman ngayon?" ang sagot ng iba na puro ka-fashion-an na lang daw ba ang alam gawin ni Pia o ibang beauty queen na eme-emeng may mga advocacies during the time na nagpa-pageant sila, pero kapag nag-win na at sumikat, puro mga paandar na walang katuturan daw ang ginagawa sa socmed.
“Hindi lang siguro kayo ang audience niya. Sa mahihilig sa fashion, in na in at queen pa rin si Pia,” ang mataray pang litanya ng mga supporters nito.
Of late ay laging laman si Pia ng mga fashion news at may intriga pang ikinakabit sa kanila ni Heart Evangelista na kilala ding ‘paandar’ pagdating sa mga ganapang fashion eklavo eme-eme.
‘Yun lang. Hahahaha!
Song niya, ginamit ng ex na background music sa pagrampa…
ECHO, TINAWANAN LANG SI HEART
NAKAKATUWA ang parehong reaksiyon nina Heart Evangelista at Jericho Rosales sa Pusong Ligaw music/song na ginamit ng una sa isang fashion ramp event.
Yes, ginamit nga ni Heart ang famous song ni Echo bilang background music sa isang fashion event habang rumarampa siya.
Ikinatuwa naman ni Echo ‘yun dahil bonggang “Hahahahaha” ang nai-post niya sa socmed nang malaman niya ito at nag-react nga siya.
Ganting “Hahahahaha” rin naman ang isinagot ni Heart sa naging reaksiyon ni Jericho kaya pinag-uusapan sila ng mga netizens at fans nila na hindi kaya may mga naligaw na puso sila? Hahahaha!
Wala lang, aliw lang.
Dahil sa mga sinabi ni James sa interview…
NADINE, NAUNTOG NA KAYA IN-UNFOLLOW ANG MGA DATING BFF NA SINA YASSI AT ISSA
“YES, her friends informed her,” ang matipid and yet, very intriguing na sagot sa amin ng ilang sources.
May kinalaman ito sa tanong namin kung bakit kaya ini-unfollow na finally ni Nadine Lustre ang mga old friends (BFF daw dati?) niyang si Yassi Pressman at ang sister nitong si Issa plus some non-showbiz colleagues nila.
Medyo naging ‘damaging’ daw yata sa dating group of friends nina Nadine, James Reid, the Pressman sisters at ilang dating mga kanegosyo nila before and during pandemic (up until naitayo ang Careless Music) ang latest interview ni James sa media.
Sa dinami-dami daw kasi ng mga info na naibahagi at isinagot ni James sa at least two interviews niya (Ogie Diaz at MJ Felipe), meron daw silang mga kanegosyo diumano na “hindi natuwa”.
Kung ano man ‘yung hindi nila ikinatuwa as per our sources ay hindi na namin kakalkalin pa.
Basta maliwanag sa sagot sa tanong namin na “finally” daw ay nagising na si Nadine sa klase ng friendship ng magkapatid na Pressman kaya ayaw na nitong magkaroon ng link sa mga ito beginning sa pag-unfollow sa socmed accounts nila.
“Kahit ‘yung ibang mga friends nila at dating business partners, ha, nag-unfollow na rin,” hirit pa sa amin ng mga sources namin.
Ang latest ngang narinig namin, gumanti na rin ang magkapatid sa pag-unfollow din kay Nadine Lustre at mga dating group of friends nila.
Hmmmm, i-play back nga natin ‘yung interview kay James dahil mukhang may malalim nga yatang pinaghuhugutan ang mga ganap?
Comments