Nag-fundraising… MAHAL, IPAGPAPATAYO NG MUSELEO NG MGA FANS
- BULGAR
- Sep 21, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 21, 2021

Grabe ang suporta at pagmamahal ng mga fans sa yumaong comedienne na si Mahal a.k.a. Noemi Tesorero. Plano nilang ipagpatayo ng museleo ang kanilang idolo. Ito bale ang magiging alaala nila sa magagandang memories na iniwan ni Mahal.
Ang vlogger na si Carlo Mendez ang nilapitan ng mga tagahanga ni Mahal upang ipaabot sa iba pang fans ang kanilang museleo project.
May panawagan din ang MaMygz (Mahal-Mygz Molino) fans at sila ay tutulong sa fundraising project para sa museleo ni Mahal sa Himlayang Pilipino.
Hindi raw compulsory ang pagbibigay ng donasyon ng mga fans. Kahit P50 o P20 lang ay tatanggapin at pasasalamatan.
Ang lahat ng malilikom sa fundraising na ito ay ididiretso sa kapatid ni Mahal na si Lani Tablate. May pahintulot ng pamilya ni Mahal ang fundraising project na ito. Ipadala lang ang ambag sa Gcash ni Lani Tablate. Magiging transparent naman ang lahat ng perang papasok.
Well, tiyak na ikatutuwa ni Mygz Molino ang pagpapatayo ng museleo ni Mahal.




Comments