top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nag-courtesy call kay P-BBM… US VP Harris at VP Sara, nagkita na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 21, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | November 21, 2022



Dumating si United States Vice President Kamala Harris sa Palasyo ng Malacañang ngayong Lunes para sa kanyang courtesy call kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Si Harris, na unang babae at first woman of color na naging US vice president, ay nakipagkita sa kanyang Philippine counterpart na si VP Sara Duterte, bago ang kanyang nakaiskedyul na meeting kay Pangulong Marcos.


Sa Martes, nakaiskedyul naman si Harris na magtungo sa Palawan na ayon sa mga US officials, “historic visit that would involve meetings with local fishermen, community leaders and Philippine Coast Guard.”


Nakatakda rin siyang mag-deliver ng mensahe na magbibigay-diin sa kahalagahan ng international law, malayang komersyo o commerce at kalayaan sa paglalayag o navigation sa South China Sea.


Ayon kay Pangulong Marcos, ang pagbisita ni Harris sa Palawan ay hindi magkakaroon ng anumang negatibong implikasyon hinggil sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.


Sinabi naman ni Harris sa mga Asian leaders na ang Amerika ay isang aniya “proud Pacific power,” habang binanggit nitong ang matagal nang US network ng mga security alliances ay nakapagdulot sa Asia para magtagumpay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page