top of page

Nag-away dahil kay Mark… RYZA, UMAMING MATAGAL NA SILANG BATI NI JENNYLYN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 17, 2025



Photo: Ryza Cenon at Jennylyn Mercado - IG


Binasag na ng aktres na si Ryza Cenon ang kanyang katahimikan sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) tungkol sa nakaraan nilang conflict sa isa’t isa ni Jennylyn Mercado.


Pagbubulgar ni Ryza, matagal na raw silang nagkaayos ni Jen at pareho na rin silang naka-move on. 


Nagkaroon ng misunderstanding ang dalawang Kapuso actresses dalawang dekada na ang nakararaan. Ang dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan ay dahil sa rumor na kumakalat noon na hinalikan umano ni Ryza si Mark Herras na boyfriend ni Jennylyn that time.


Humingi muna ng kapatawaran ang King of Talk bago niya binuksan ang tanong sa aktres, “Patawad sa tanong na ito, ha? Pero napakaingay noon ‘yung hidwaan, away n’yo ni Jennylyn Mercado. Are you guys okay?”


Nakangiting sumagot si Ryza, “Tinatawanan na lang po ‘yun, eh. Wala na po ‘yun, tapos na po ‘yung mga ganu’n.


“May pamilya na po kami, may mga anak na po kami. Tinatawanan na lang namin ‘yun.”


Katunayan pa nga raw, ayon kay Ryza, may posibilidad pa siyang mag-guest sa action-drama series na Sanggang Dikit FR (SDFR), which stars Jennylyn and her husband, Dennis Trillo — patunay na in good terms na talaga sila ngayon.



NAALIW ang mga netizens habang tinuturuan ni Glaiza de Castro ang mister niyang si David Rainey ng latest dance craze.

Ani ng Kapuso actress sa kanyang Instagram (IG) page, “Dahil nga nasa dancerist era na ako, naisip kong i-share mga natutunan ko sa asawa ko. So proud of you, @david_rainey89,” na kinaaliwan ng maraming tao.

Lalo pang napasaya ang mga netizens sa komento ng ilang celebrities.

Kahit todo-effort ang mister na makuha ang right step sa pagtuturo ni Glaiza ay tila hirap pa rin itong makasunod.

Sabi ni Iza Calzado, “You guys are so cute!”

Bumanat naman ang best friend ni Glaiza na si Angelica Panganiban, “Hindi nila talaga alam kung sino ang mga pinakasalan nila…” na agad din namang sinagot ni Glaiza ng “Akala nila…” 

Aside sa AngBeKi (Angelica, Bela Padilla at Kim Chiu), si Glaiza ay isa rin sa pinakamatatalik na kaibigan ni Angge sa showbiz.

Sa mga nakaraang taon ay naging laman ng headlines ang kanilang solid na samahan bilang friends.



NAGBIGAY ng update si Megastar Sharon Cuneta hinggil sa relasyon nila ng panganay na anak na si KC Concepcion.


Sa isang panayam sa Megastar, sinabi niyang, “Every close relationship is beautiful in all its forms and types; however, there’s never a perfect relationship. There will always be petty fights, little conflicts, and misunderstandings, but what matters most is that you always choose to fix them.”


Ani Sharon, ang relasyon nila umano ni KC ay on and off, but at the end of the day, they always find themselves rising above the situation.


Sa interbyu ng ANC 24/7’s Beyond The Exchange, natanong ang Megastar about her eldest daughter, and according to her, KC is okay now. She is having a quiet life while pursuing and managing her jewelry business.


Pagbabahagi pa ng singer/actress, “She studied at the Gemological Institute of America to really learn the craft — on top of her business degree. She still wants to do projects in entertainment, but it’s not her top priority anymore.”


Ang kanilang relasyon daw ngayon ay solido. Yes, nagkakaroon sila ng misunderstandings and disagreements along the way, but it has never been less than solid.


Pakli pa niya, her daughter is a good kid, and KC would often tell her whenever they had clashes that would always keep her at peace.


Sey daw ni KC kay Mega, “Mom, just trust in the way you raised me.”

‘Yun naman pala.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page