Nag-ala-Steve Harvey… ALDEN, NA-WOW MALI SA PAG-A-ANNOUNCE NG WINNER SA MISS U-PHILS.
ni Ambet Nabus @Let's See |May 16, 2023

Tawa naman kami nang tawa sa mga kalokohang tsikahan ng mga accla (bading) na ibinaling na lang ang inis nila dahil 'di nagwagi ang bet sana nilang manalo ng main title na si Miss Bohol sa katatapos na Miss Universe-Philippines pageant.
Pinagtripan kasi ng mga ito ang dalawang male hosts sa naturang finals night ng pageant. Una na riyan ang tinatawag na beterano na sa pagho-host na si Xian Lim na pumapalpak pa rin daw sa hosting.
"Hindi pa rin naaalis sa kanya 'yung magpa-cute sa pagsasalita, pero mahilig namang magkunot-noo at magtaas ng kilay 'pag nae-excite," sey ng mga accla.
Sa naging "Steve Harvey moment" naman ni Alden Richards nang mag-announce ito ng maling winner sa isang minor award, hirit nila, "Forgivable naman pero jusme, ha! Parang hindi siya sincere sa paghingi niya ng dispensa at nagmukha siyang duwende sa taas nina Xian at Zozibini Tunzi (Miss Universe 2019)."
Pero, ang pinakakuwelang huntahan ng mga accla ay kung ano raw kaya ang mga backstage moments ng dalawang male hosts.
Mukha raw kasing super involved at engaged ang dalawa sa mga portions tulad ng swimsuit at evening gown contests.
"For sure, may kani-kanya silang bets, paboran man o ilusyunin," tsika ng mga accla.





Comments