Nag-aalok ng 'double-your-money', nag-iimprenta ng pekeng pera.. 3 scammers, kulong
- BULGAR

- Sep 14, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | September 14, 2023

Bumagsak sa mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang tatlong Cameroon nationals na pinaniniwalaang scammers sa inilunsad na entrapment operations sa isang hotel sa Makati City.
Kinilala ni PNP-CIDG Police Director Major General Romeo Caramat ang mga suspek na sina Jacob Bame, 48; Richard Kigin alyas Slim Sanka, 45, at Emmanuel Asobo Teyim alyas Jordan Smith, 33.
Inireklamo ang mga suspek ng estafa dahil sa umano'y "double-your-money" scheme na hindi naman natupad sa mga biktima.
Nasamsam sa mga suspek ang 12 piraso ng pekeng P1,000; 100 pirasong pekeng US dollar bills; 19 pirasong P1,000 bill na pinahiran umano ng kemikal at iba't ibang kagamitan sa pag-imprenta ng pekeng pera.
Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong estafa, pamemeke ng treasury notes at paggamit ng pekeng pangalan.





Comments