NADINE: MAY 'K' NA AKONG PUMILI NG TATANGGAPING PROJECT
ni Ambet Nabus @Let's See | January 13, 2023

Sa thanksgiving party na ibinigay ng Viva Films para sa mga kaibigan sa media for the success of Deleter na officially ay number one MMFF 2022 movie, inamin ni Nadine Lustre na nagbigay ito ng kakaibang "renewed spirit" sa kanya.
Dati raw kasi ay umabot siya sa puntong nagsawa na siya sa mga paulit-ulit na roles na ibinibigay sa kanya at dumating pa sa point na hindi na siya happy.
But with the success Deleter gave her, "Siguro naman po ay puwede ko nang sabihin na kaya ko nang mamili o pumili ng mga projects na gusto kong gawin at pagkaabalahan."
O malinaw 'yan, ha?
As one becoming serious performer and artist, agree kami sa sinabi ng Best Actress winner. Hindi 'yan sa pagyayabang dahil "kalidad at katinuan" ang ibig puntahan ng career ni Nadine.





Comments