Ibang-iba na raw ngayong mag-asawa na… DINGDONG, NA-MISS ANG GINAGAWA SA KANYA NI MARIAN NU’NG BF-GF PA SILA

ni Lucille Galon @Special Article | November 3, 2026

Photo: IG _marianrivera
Hindi lang trabaho ang naging dahilan ng saya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa paggawa ng kanilang pelikulang Remember dahil nagkaroon din sila ng pagkakataong mag-enjoy bilang mag-asawa habang nasa Canada.
Sa kabila ng kani-kanilang busy schedule, hindi raw palaging nagkakaroon ng sapat na oras na magkasama ang dalawa.
Sa recent interview nila sa KC After Hours sa YouTube (YT), ibinahagi ni Dingdong na isa sa mga pinakamasasayang bahagi para sa kanya ng paggawa ng Remember ang promotional activities dahil mas nakakasama niya si Marian.
“Para sa ‘kin, ‘yung part na ‘yun (press tour), isa sa pinakamasasaya kasi talagang mas nakakasama ko s’ya. Sa shooting nga, medyo ‘di pa kami nagsasama. May mga araw na wala s’ya,” pahayag ng aktor.
Ipinaliwanag naman ni Marian na pareho silang maraming commitments kaya hindi nagtutugma ang kanilang schedules.
“Lalo na s’ya sa Master Cutter, parang three times a week, tapos may The Voice pa s’ya. Tapos ako naman, ‘pag nasa bahay s’ya, ako naman ‘yung wala sa bahay,” kuwento ng aktres.
Kaya naman naging espesyal para sa kanila ang shooting sa Quebec, Canada dahil nagkaroon sila ng pagkakataong gawin ang mga simpleng bagay bilang mag-asawa.
“Kahit na shooting s’ya pero ‘yung feeling na, ‘Wow! Naglalakad kami sa kalye, nag-grocery kami. Ipinagluluto n’ya ako,’ ganu’n. Ang sarap. Parang nu’ng araw, nu’ng kaming dalawa pa lang,” kuwento ni Dingdong ngayong may dalawang anak na sila ni Marian.
Muling nakatrabaho ng mag-asawa ang direktor na si Mae Cruz-Alviar, na nagdirek din ng kanilang pelikulang Rewind. Inilarawan pa ni Dingdong ang direktor bilang maituturing na kapamilya.
Ayon sa aktor, malaki ang tiwala nila kay Mae dahil malinaw ang vision nito para sa pelikula at alam nito kung paano ilalabas ang kanilang husay sa kani-kanilang karakter.
“We co-create that together, pero s’ya, malinaw sa kanya ‘yung gusto n’yang makita sa umpisa at saka sa dulo, so malaking bagay na nandu’n talaga ‘yung buong tiwala namin sa isa’t isa, lalo na ‘yung tiwala namin sa kanya dahil s’ya talaga ‘yung driver nito,” paliwanag ni Dingdong.
Samantala, sinabi ni Marian na kahit matagal silang hindi nagkita ni Direk Mae matapos ang Rewind, nanatili ang kanilang magandang samahan.
“The mere fact na nakita mo s’ya, kahit mahabang panahon kayong ‘di nagkita, nandu’n ‘yung connection, nandu’n ‘yung love, eh,” pahayag ng aktres.
PINUTOL na ng dating Viva Hot Babes member na si Zara Lopez ang kaugnayan niya sa grupo matapos niyang aminin na nasaktan siya sa hindi niya pagkakasama sa BULAKLAK: The Viva Hot Babes Reunion Concert at sa mga naging usap-usapan online tungkol sa nangyari.
Sa isang Facebook (FB) post, sinabi ni Zara na tuluyan na niyang isinasara ang chapter ng kanyang buhay na may kaugnayan sa grupo. Aniya, hindi na niya kailangang patunayan pa ang kanyang lugar sa Viva Hot Babes.
“‘Di n’yo na kailangang sabihin na ‘di ako welcome. Ako na mismo ang kusang aalis. And this time, it’s permanent,” pahayag niya.
Dagdag pa niya, “After more than 20 years, I am officially closing my chapter with Viva Hot Babes.”
Inamin din ni Zara na hindi siya kabilang sa original lineup ng grupo, pero ipinagmamalaki niyang naging bahagi siya nito at sinuportahan ang Viva Hot Babes sa loob ng maraming taon.
“I won’t pretend that recent events didn’t hurt me. Not being included in the reunion concert, feeling disappointed during my birthday, and seeing conversations online about my place in the group made me reflect on relationships I had valued for over two decades,” saad niya.
Ipinahayag din niya ang lungkot sa unti-unting pagbabago ng samahan nila ng mga taong itinuring niyang malapit sa kanya.
“Masakit pala ‘pag ang mga taong itinuring mong pamilya ay unti-unting nagiging strangers sa buhay mo,” aniya.
Bagama’t kinikilala niyang maaaring magkakaiba ang pananaw ng bawat isa, iginiit ni Zara na valid ang kanyang nararamdaman.
Para naman sa mga kumukuwestiyon kung deserve ba niyang tawaging Viva Hot Babe, direkta ang naging sagot niya:
“And to everyone questioning whether I deserve to be called a Viva Hot Babe, here’s my answer: Keep the title. I’m no longer interested in proving that I belong.”





Comments