top of page

Nabulgar, taas-presyo ng petrolyo, hula-hula at hokus-pokus lang!?

  • BULGAR
  • Mar 23, 2022
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 23, 2022


MARAMI ang naniniwala na maaaring pigilin ng gobyerno gamit ang DOE ang sobra-sobrang taas ng presyo ng petrolyo.


Espekulasyon lamang umano ang batayan sa pagtataas ng presyo. Kumbaga, hula-hula lang at hokus-pokus sa datos.


◘◘◘


MAKIKITA natin na totoong buwitre ang mga oil distributor sa bansa dahil pinatungan ng presyo ang mga nakaimbak na petrolyo.


Kumbaga, ngayon nila binabawi ang nalugi sa kanila sa panahon ng pandemya.


◘◘◘


INUTIL ang gobyerno na proteksyunan ang mga consumer sa kuko ng mga buwitre.

Ilan lamang ang mga oil distributors na dapat bantayan at disiplinahin ng pamahalaan sa panahon ng krisis.


◘◘◘


BINASTED ng Malacañang ang pagtanggal sa excise tax sa petrolyo. Isang pro-rich na desisyon.

◘◘◘


DAHIL sa pagdarahop, nabuhay ang isyu sa P10,000 ayuda na isinusulong ni dating speaker Alan Peter Cayetano.


Iginigiit ni Cayetano na may sapat na pondo ang gobyerno sa P10K ayuda kada pamilya.


◘◘◘


PINARANGALAN sa Caloocan City ang mga natatanging frontliner kaugnay ng selebrasyon ng Frontliners’ Day sa lungsod.


Iginawad ni Mayor Oca Malapitan ang parangal kaugnay sa ordinansang iniakda ni Sangguniang Kabataan Federation (SKF) president Councilor Vince Hernandez.


◘◘◘


SUPORTADO ni ex-Sen. Bongbong Marcos ang pagkilala sa ambag ng mga frontliners sa buong bansa.


Kabilang sa mga nagbigay ng serbisyo at sakripisyo ang mga doktor, pulis, bumbero, emergency responder, security guard, vaccination personnel, swabbing personnel, tricycle driver, at media practitioner.


◘◘◘


KABILANG sa tumanggap ng pagkilala si GMA-7 senior reporter Mark Salazar.


Ayon kay Caloocan City Administrator Engr. Oliver Hernandez, maraming mamamahayag ang naging katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page