top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nabinat nang manganak… KYLIE, NAGKA-POSTPARTUM DEPRESSION DIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 24, 2025
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 24, 2025



Photo: Kylie Padilla - IG


Nagsalita naman si Kylie Padilla tungkol sa mga epekto ng binat at postpartum depression.


Ibinahagi niya sa kanyang Facebook (FB) account ang matapang na post na personal niyang naranasan after niyang manganak.


Sa hirap ng kanyang panganganak, ang naging epekto umano sa kanya ay ‘binat’.

Ayon kay Kylie, nahirapan siya sa mga komplikasyon sa spinal cord injection at mga epekto ng postpartum na nagdulot ng matinding sakit sa katawan, pagkahapo at anxiety.


Inamin ni Kylie na hindi niya naisip na makakabawi pa siya mula sa madilim na estado ng kalusugan na kanyang pinagdaanan.


Ibinahagi niya ang kanyang kuwento upang magbigay ng kamalayan tungkol sa mga karanasang dulot ng postpartum depression at binat, na hindi laging nauunawaan o napapansin ng iba.


Kasabay ng kanyang post, nagpahayag siya ng isang matinding panawagan para sa pagpapasa ng mga batas tulad ng #PaidMaternityLeave at #PostpartumDepressionAwareness upang mas maprotektahan ang mga ina at mabigyan sila ng sapat na panahon upang makapagpahinga at mag-recover pagkatapos ng panganganak.


Bagama’t may kakayahan daw siyang suportahan ang sarili at ang kanyang pamilya, hindi lahat ng ina ay may parehong pribilehiyo.


Ibinahagi niya ang mga hinagpis ng mga ina na walang sapat na suporta mula sa kanilang pamilya o sa lipunan, kaya’t umapela siya na magkaisa ang lahat para sa isang mas suportadong mundo para sa mga ina.


Nais niyang magkaroon ng mga hakbang na magbibigay ng pagkakataon sa mga ina na alagaan ang kanilang sarili, nang sa gayon ay makapagbigay sila ng mas mabuting pangangalaga sa kanilang mga anak.


Todo-bigay at tulong daw… 

ALDEN, NAUBOS ANG DATUNG, DEPRESSED NA DEPRESSED


Ibinulgar ni Alden Richards sa panayam ng 24-Oras na ang 2024 ang kanyang lowest year. Ang pagkaka-describe niya sa taong iyon ay ‘hitting rock bottom’.


“I think last year was my lowest year. Rock bottom. It took me six months to get over that,” panimula ng Asia’s Multimedia Star.


Pagbabahagi niya, hindi man siya clinically diagnosed, na-experience niya ang ‘depression at its finest.’


“That was—hindi naman siya clinically diagnosed, but that was depression at its finest. That was depression,” aniya pa.


Pag-amin niya, “Inuuna ko muna lahat ng tao bago sarili ko. But last year, medyo — I think that was my breaking point.


“Kasi minsan, ‘di ba tayo, we always go out of our way to help other people? Tulong, tulong, tulong. Bigay, bigay, bigay. Ang nangyari sa akin, paglingon ko du’n sa timba ko, wala na palang natira sa akin. And then that broke me to a million pieces.”


Kahit walang clinical diagnosis, ramdam na ramdam kay Alden ang matinding emotional exhaustion and depression na kanyang pinagdaanan.


Humanga ang mga netizens, lalo na ang kanyang mga fans, sa pagiging vulnerable at courageous ng aktor sa pagse-share niya ng experience, noting the importance of mental health awareness, especially among public figures often seen as strong and untouchable.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page