Nabili sa fast food chain.. 11 naospital sa fried chicken
- BULGAR

- Sep 23, 2023
- 1 min read
ni Levi Gonzales @News | September 23, 2023

Isinugod sa pagamutan ang 11 empleyado makaraang makakain ng fried chicken na nabili sa isang fast food chain sa Calatagan, Batangas.
Alas-4:45 ng hapon, isinugod sa pagamutan ang mga empleyado ng Tierra del Sur Poultry Farm na sina Joselito Carlum, 47; Rose Ann Vecinal, 26; Anne Lalim, 30; Dave Magdale, 26; Leo Valdez, 21; Merjoneth Alvarez, 38; Cecilia Sarwelos, 22; Jay-Ar Mari, 24; Nicca Esteban, 21; Antonio Taguibao, 40, at Rose Marie Carlum, 42.
Bumili umano sila ng kanilang makakain sa isang fast food. Gayunman, nakaramdam umano sila ng pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng tiyan.
Dinala naman sa laboratoryo ang ilang piraso ng pritong manok upang suriin kung ito ba ang dahilan sa naturang insidente.





Comments