top of page
Search

Nabasa sa cellphone… KZ, NABUKING NA TINAWAG ANG MISTER NA ‘BABY’ NG IBANG BABAE

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | September 8, 2024



Showbiz News

Guest ni Melai Cantiveros ang mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde sa programang Kuan On One (KOO) na napapanood sa YouTube (YT).


Ayon sa Soul Supreme, talagang pinagselosan niya ang nabasang text sa phone ni TJ kung saan tinawag itong “baby”. 


Nang tanungin daw niya si TJ, nainis siya at iba na ang timpla ng kanyang emosyon. Hindi kasi agad sinagot ni TJ kung sino ang nag-text kaya imbiyerna na siya. 


Ayon naman kay TJ, tawagan daw nila ang nagpadala ng mensahe upang malaman kung sino ito. Tinawagan naman daw niya at nalokah siya nang marinig ang boses ng sumagot. 


Bumalik ang magandang emosyon ni KZ nang malaman niyang ang ina ni TJ ang nag-text na “baby” pa rin ang tawag sa anak. 


Eh, sino nga ba naman ang hindi magseselos kung ang mababasa sa text ay may pag-aalalang tanong, “Baby, kumain ka na ba?” 


Aba, kahit kami siguro, kakainin ng selos kapag mga ganyang text ang mababasa namin, ‘di ba?


 

Sa Instagram (IG) feed ni 2022 Miss Universe R’Bonney Gabriel, ibinahagi niya ang larawan ng childhood home ng kanyang ama sa Malate, Manila. 


Sey niya sa caption: “Favorite place in Manila.” 


Ilang larawan ang ibinahagi ni R’Bonney nang bisitahin nila ang kinalakihang lugar sa Bgy. 743, Malate, Manila. Makikita sa mga larawan na naglalakad siya sa kalye na may kasamang mga bata. 


Hindi ito ang unang beses na bumisita ang beauty queen sa lugar ng kanyang ama. Noong Hunyo, nag-spend siya ng weekend sa kanilang family home kung saan puro Filipino food ang kanilang kinain.


Ang reaksiyon ng mga netizens: 


“Wala s’yang paki kung luma o hindi kagandahan ang bahay nila. ‘Di n’ya kailangan ng magagarang background. Kaya PROUD ako sa babaeng ito. Mabuhay ka R’Bonney!!!”


“Ako rin, makikita mo talaga na maganda ang ugali n’ya, my fave Miss Universe, you are the best @rbonneynola I really admire you.”


“Ang suwerte ng street n’yo, may pagala-galang reyna.”  


“The most relatable and relevant Miss Universe Queen!!!”


“So true. I have high regard for Ms. R’Bonney because of her humility.”


“Not something you would normally see from other Filipino beauty queens or ‘influencers’.


She even represented the USA, but seems prouder of the Philippines, unlike others. You would kinda see #thirdworldproblem from them. Proud of other places except theirs. It’s gross and cringey.”  


“I love how R’Bonney loves the country so much that she does not try to paint over and sugarcoat the real everyday lives of ordinary people living in Manila. Social media can be so full of delusions, and R’Bonney reminds us that it is OK to show Maynila in its purest, unfiltered form, no need to hide urban decay.”  


“Dapat ito ‘yung naging PH Tourism Ambassador, hindi si Vanessa Hudgens.” 


“Very humble, to think na Miss Universe, born and raised in the US with an American mother, samantalang ‘yung isa d’yan, hay, naku. Salute to you, Miss Universe, you deserved the crown.”


Sa mga larawang ibinahagi ng 2022 Miss U, kahit nagkakabuhul-buhol ang wires ng kuryente sa kanilang tahanan, wala siyang pakialam. Ang alam niya, masaya siya sa roots na kinalakhan ng kanyang ama.


 

Mga laos na raw kaya naging mag-BFF na…

KATHRYN AT NADINE, ALA-HEART AT MARIAN



Nadine Lustre at Kathryn Bernardo - Circulated / Aivee

AYAN, naka-follow na umano sa isa’t isa sa kanilang Instagram (IG) account sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre. Though wala namang gap ang dalawang aktres, naging civil sila noon dahil nag-aaway ang kanilang mga fans. 


Sey tuloy ng ibang netizens, para raw palang Heart Evangelista at Marian Rivera ang peg ng dalawang mahusay na aktres.  


“Mala-Heart and Marian na ba ‘to?” 


“Hindi naman sila umabot sa tarayan, Beh. Mukhang tuloy na ang Nora at Vilma movie remake. Let the promo begin!”


“Wala namang bullying na nangyari.”


“Magkaiba, ‘teh. Kasi ‘di naman nag-away sina Kath at Nadine, mga fans lang.”  


“‘Pag ‘di na super-sikat makes them humble ba?”  


“Isa sa top endorsers si Kathryn sa bansa, so paanong hindi super-sikat? Hindi ‘yan gugustuhing kunin ng ibang network/managements kung laos na.”


“There is such a thing called maturity. I hope you will get there.” 


“May isang pic pa na nakahawak si Kathryn sa bewang ni Nadine, tapos may video na inaayos ni Nadine ang hair ni Kath. Ang gaan ng aura nila mula nang nakawala sa mga issue.”  


Iisa lang ngayon ang sigaw ng kani-kanilang mga fans, “Pagsamahin sa movie ang dalawang aktres.”



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page