Nabaliw daw sa ganda ng katawan niya… DEREK, NAGSALITA NA SA PAGHAHABOL NI ANDREA

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 8, 2020

Dahil walang nagbibigay ng kani-kanilang pahayag, nananatili pa ring palaisipan para sa marami ang biglaang hiwalayan ng magkasintahang Derek Ramsay at Andrea Torres nito lang nakaraang buwan ng Nobyembre.
Sa Instagram post ni Derek nitong Linggo (December 6), isang netizen ang humanga sa topless photo ng hunk actor. May espekulasyon ang naturang netizen na nawalan ng interes si Derek kay Andrea dahil ang dalaga raw ang masyadong "naghahabol."
Sabi ng netizen (published as is), "Kaya nabaliw si @andreatorres eh. Maloka-loka siguro sa katawan mo kaya lang obvious na di mo sya niligawan at sya lang ang naghahabol. Nawalan ka na siguro ng challenge. Hahaha."
Mariing pinabulaanan ni Derek ang espekulasyon ng netizen.
Sabi niya, "No, man. Andrea is a decent woman."
Pagkatapos kumpirmahin ni Derek ang balitang hiwalay na sila ni Andrea nitong November 19, hindi na nagbigay ng anumang detalye ang aktor sa hiwalayan nila ng gf.
Ang tanging nilinaw ni Derek ay hindi third party ang naging mitsa ng breakup nila.
Sa isang pahayag noon ni Derek, "The breakup has happened so fast. Maybe 2 people are just not meant to be."
Nangako rin si Derek na hindi niya palalampasin ang anumang paninira na maririnig tungkol kay Andrea na kanya raw minahal.
Ilang araw pagkatapos ihayag ni Derek ang hiwalayan nila ng aktres, nu'ng November 20, naglabas naman ng official statement si Andrea na nais daw niyang gawing pribado kung anuman ang dahilan ng hiwalayan nila ng aktor.
Lubos daw niyang pinahalagahan ang relasyon nila kaya nais niyang panatilihin ang respeto sa pinagsamahan nila.
Sabi pa ni Andrea, "I will always wish him and his family well.”





Comments