top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nababahay-bahay na coordinator ng “Candidate for President”, pamimigay ng P100-K?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 07, 2022



MGA COORDINATOR NG ISANG ‘CANDIDATE FOR PRESIDENT’, NANG-UUNGGOY NG MGA RESIDENTE–May mga coordinator ang isang kandidato for president, na nagbabahay-bahay umano sa mga barangay, pati subdibisyon ay pinapasok at pinagpi-fill-up ng form ang mga residente bilang supporters ng kandidato, at kapag nanalo raw ang “manok” ng mga coordinator ay bibigyan ng tig-P100-K ang head of the family at tig-P30-K naman ang mga anak.


Panawagan sa mga residente na kung ayaw mabudol, huwag maniwala sa sinasabi ng mga ito dahil pang-uunggoy lang ‘yan, period!


◘◘◘


MOST WANTED SA US SI QUIBOLOY–Hindi lang ang mga kandidato sa halalang 2022 ang may poster kasi kahit ang hindi kandidato na si Pastor Apollo Quiboloy ay may poster na rin. Ang masaklap nga lang, hindi pampulitika ang nakasaad sa kanyang poster.


Kung sa poster ng mga pulitiko, nakasaad na sila ay iboto, sa poster naman ni Quiboloy na inilabas ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ay wanted ang pastor sa mga kasong sex trafficking by force, fraud and coercion, sex trafficking of children at bulk cash smuggling, boom!

◘◘◘


SABLAY ANG PAGHINGI NG BASBAS NG BBM-SARA UNITEAM KAY QUIBOLOY–Sablay ang pagpayag ng Bongbong Marcos-Sara Duterte o BBM-Sara uniteam tandem na ipa-endorso kay Pastor Apollo Quiboloy ang kanilang kandidatura for president and vice-president.


Tatlong araw matapos silang basbasan at i-endorso ni Quiboloy, inilabas ng FBI ang poster ng pastor tungkol sa sangkaterbang kasong kinahaharap nito sa Amerika, period!


◘◘◘


MASUWERTE SI QUIBOLOY KASI TROPA NIYA ANG PANGULO NG PILIPINAS–Masuwerte si Quiboloy dahil ginawa siyang spiritual adviser ni P-Duterte kaya’t malaya pa siyang nakakagala sa ‘Pinas.


Kung nagkataong hindi niya BFF ang pangulo ng Pilipinas nang masangkot siya sa mga ganyang kaso, malamang ay binitbit na siya ng mga awtoridad at dinala sa Tate para harapin ang mga kaso sa Amerika.


Kaya’t kung totoong may “power” si Quiboloy, dapat gamitin niya ‘yan para magwagi ang BBM-Sara tandem kasi kapag ang nagwagi sa pagka-pangulo ay sinuman kina Vice-Pres. Leni Robredo at Sen. Manny Pacquiao na kanyang kaalitan, nakupo, tiyak na mamalasin siya, abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page