top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

NAASCU Saint Clare at AMA Online babandila sa PBA Aspirants Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 16, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 16, 2023




Dadalhin muli ng Adalem Construction-Saint Clare College of Caloocan at AMA Online Education ang bandila ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa pagbubukas ng 2023 PBA D-League Aspirants Cup ngayong Abril 27 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.


Ipagtatanggol ng EcoOil-De La Salle University ang korona na nauwi nila noong nakaraang Agosto laban sa kabuuang pitong humahamon.


Kinailangang dumaan sa tatlong laro ang Green Archers bago iniligpit ang Marinerong Pilipino para sa kanilang unang kampeonato sa liga. Ngayon, ikinuha ng natalong Skippers ang mga manlalaro ng San Beda University Red Lions upang mawakasan ang paghahanap ng unang tropeo.


Masusubukan ang bagong talagang coach ng EcoOil na si Topex Robinson na panatilihin ang kampeonato matapos niyang palitan si Coach Frederick Pumaren. Ginabay ni Coach Robinson ang Zark’s Burger-Lyceum sa 2018 Aspirants Cup kaya hindi bago ang tagumpay sa kanya.


Ang iba pang kalahok ay ang dating kampeon CafeFrance-Centro Escolar University, University of Perpetual Help System Dalta at NCAA champion Wang’s Basketball-Letran.


Ang nag-iisang club team ay ang baguhang Philippine Sports Performance Fitness Gym.


Pareho pa rin ang patakarang gagamitin at dadaan ang walong kalahok sa single round elimination at ang dalawang may pinakamataas na kartada ay pasok agad sa best-of-three semifinals. Ang pangatlong hanggang ika-anim ay lalaro muna sa twice to beat quarterfinals habang best-of-three din ang finals.


Noong nakaraang Aspirants Cup ay nagtala ng 4-3 panalo-talo ang Adalem Construction, sapat para sa pangatlong puwesto. Agad nila pinauwi ang Builders Warehouse-UST sa quarterfinals subalit nabigo sa kampeon EcoOil sa semifinals, 2-1.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page