Na-wow mali! Eroplano, pinahinto dahil sa 'bomba'
- BULGAR

- Oct 14, 2023
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | October 14, 2023

Napabalik ang isang flight sa Panama nitong Biyernes, Oktubre 13 dahil sa inakalang bomba sa loob ng eroplano na isang adult diaper pala.
Patungong United States ang isang Copa flight nang may mapansin na animo bomba sa loob ng banyo ng eroplano.
Agad na umaksiyon ang mga crew at pinababa ang lahat ng pasahero para suriin kung may kakaiba sa eroplano at napag-alamang ang pinaghihinalaang “bomba” ay isang disposable adult diaper.
Kinumpirma ito ng airport security head na si Jose Castro. Pahayag nito, "The aircraft is brought back by the security protocol. We kept it in a safe runway, there canine, explosive and taskforce police units verified the object, realizing it was an adult diaper. Any threats were discarded. The police is always alert to the security of Panamanians and foreigners. To protect and serve."




Comments