top of page

Na-stranded na 65 balyena, patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 12, 2024



Showbiz Photo

Namatay ang hindi bababa sa 65 na long-finned pilot whales matapos silang ma-stranded sa isang isla sa hilaga ng baybayin ng Scotland, ayon sa isang rescue charity nitong Huwebes.


Inihayag ng British Divers Marine Life Rescue na inabisuhan sila nang mas maaga sa posibleng stranding at nagpadala ng mga mediko sa isang baybayin sa Sanday, isang isla sa Scotland sa arkipelago ng Orkney.


"On arrival, the medics found there to be about 77 animals high up the beach, having evidently been stranded for several hours already. Sadly, only 12 of them (were) still alive at this point," saad ng charity sa pahayag.


Maaaring ma-stranded ang mga balyena dahil iba't iang dahilan, tulad ng pagkaligaw o pagkakulong sa mga daluyan ng tubig, ngunit sinasabi ng mga siyentipiko na walang iisang tiyak na dahilan sa likod ng phenomenon na ito.


Halos isang taon na ang nakalilipas, may katulad na insidente ang nangyari sa mga pilot whales sa Lewis, isa pang isla sa Scotland na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng pangunahing lupain, kung saan namatay ang hindi bababa sa 55 na balyena.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page