top of page

Na-scam, nagdemanda… ROSMAR, NAGBAYAD NG P5M PARA MAIPALABAS SA MAGPAKAILANMAN ANG LIFE STORY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2024
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 13, 2024



Showbiz News
Photo: Rosmar

Nagbigay ng update ang sikat na content creator at businesswoman na si Rosmar Tan ukol sa isinampa niyang reklamo sa korte sa nang-scam sa kanya ng halagang P5 million para maisadula ang kanyang buhay sa Magpakailanman ng GMA-7.


Kuwento ni Rosmar, “Dati po, may tao na lumapit sa ‘kin na iaano raw po ang buhay ko sa Magpakailanman. Kaso nga po, ang nangyari, na-scam ako. 


“Sabi po kasi, may bayad daw, ganyan. So, ngayon po, inaasikaso ko pa po ‘yung case doon.


“Although, gusto ko naman po talaga na maipalabas ang istorya ko para marami po akong ma-inspire. Pero ‘yun nga po, ganu’n ang nangyari. 


“Na-scam po ako kasi may nagpanggap na parang staff daw po siya ng Magpakailanman, pero nalaman ko na ‘di pala s’ya legit. So, parang nagbayad po ako ng P5 million.”


Ipinaulit namin kay Rosmar kung tama ang narinig namin na P5 million ang na-scam sa kanya.


“Opo, P5 million,” diin ni Rosmar. 


“So ngayon po, wala (gustong gumawa ng life story n’ya). Hehehe!”


Nasa korte pa rin daw ang inihain niyang kaso sa nagpanggap na staff ng Magpakailanman. Umaasa si Rosmar na maibabalik ang pera niya kahit paunti-unti.

Samantala, kung gagawin naman daw ang buhay niya sa pelikula o telebisyon man, meron siyang gustong artista para gumanap bilang siya. 


“Pero kung meron pong gustong magpalabas ng buhay ko (film/TV), eh, why not, coconut? Hehehe!


“At siyempre, ang gusto kong gumanap ay ang idol kong si Marian Rivera at ang aking ultimate crush, my one and only Dingdong Dantes. Since bata pa po ako, s’ya lang ang idol kong artista,” kinikilig na sabi pa ni Rosmar.


Maraming beses na raw niyang nakita si Dingdong pero hindi raw siya nakikita ng Kapuso host/actor. Until nag-meet na sila at nakamayan si Dingdong nu’ng makapaglaro siya sa Family Feud (FF).


Anyway, ishinare ni Rosmar Tan ang kanyang paboritong pagkain na lechon sa pamamagitan ng isang feeding program sa kanyang mga kababayan sa District 1, Tondo, Maynila kamakailan.


Isa rin daw itong “giving back” para kay Rosmar sa lugar na kanyang kinalakihan. 

Tinawag niyang “Rosmar Cares” ang naturang programa, kung saan mayroon din siyang pa-sopas at pamimigay ng grocery sa mga ito. 


Para kay Rosmar, ang pagkain daw ng lechon ay hindi lang naman tuwing may okasyon. Anumang oras daw na naisin ng sinuman ay makakakain nito. 


Kasama ang nangungunang vape brand sa bansa na SHFT International sa pangunguna ni Eugene Chua, nakapamigay sila ng daan-daang libong relief packs sa mga lugar na labis na naapektuhan ng Bagyong Carina gaya sa San Fernando, Pampanga, Marilao sa Bulacan at muli sa Tondo, Maynila. 


Kaakibat nila ang local government unit sa nasabing kawanggawa. 

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page