Na-pressure sa pamilya ng aktres… ZANJOE, NAPILITAN LANG DAW PAKASALAN SI RIA
- BULGAR
- Apr 4, 2024
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 4, 2024

Ay, nakakaloka rin ang umiikot na tsikang "na-pressure" diumano si Zanjoe Marudo na pakasalan si Ria Atayde dahil nga sa umano'y buntis na ito?
Bukod daw kasi sa may pagka-old-fashioned ang family ni Ria, na-pressure raw ang hunk actor sa mga pagbubuyo at reaction ng mga close friends nito.
Well, to be fair naman kay Papa Zanjoe, ramdam sa mundo ng showbiz kung paano siya naging proud kay Ria as his GF, na talaga namang ipinakita rin niyang kaya niya itong panindigan at hindi pang-showbiz na usapan lang kumbaga.
'Kaloka talaga ang mga bashers, 'noh! Lahat na lang, binibigyan ng pauso o malisya.
Manong maging masaya na lang kayo, 'noh?!
Masaya na sina Papa Z at Ria as a couple now. Kung buntis man ngayon si Ria, may isyu ba? Hahaha!
Basta ang alam namin, soon ay madaragdagan ang magagandang tao sa mundo with their combination.
Sure na matangkad, maganda o guwapo and yes, smart! Congratulations!





Comments