Na-ghost ng ka-LDR, ‘di ka-compatible kaya oks lang kahit ‘di makatuluyan
- BULGAR
- May 12, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 12, 2021
Dear Maestro,
Nais kong malaman kung magkakabalikan pa ba kami ng ex-boyfriend ko? Nanghihinayang kasi ako sa relasyon namin dahil mag-iisang taon na sana kami sa June 15, pero hindi ko akalaing sa wala rin pala mauuwi ang lahat.
Sa ngayon, wala na akong balita sa kanya dahil bigla na lang siyang nawala at hindi na nagpakita sa akin. Sa text ko lang siya nakilala kaya hindi ko rin alam kung taga-saan talaga siya at ang alam ko lang ay taga-Laguna siya.
Ang pangalawang tanong ko ay kung hindi na siya babalik at hindi siya talaga ang lalaking nakalaan sa akin, may darating pa bang iba? Kung mayroon, sino, saan at kailan ko siya makikilala? October 12, 1998 ang birthday ng ex-boyfriend ko, habang September 2, 2000 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Ms. Virgo ng Santo Niño, Cainta, Rizal
Dear Ms. Virgo,
Hindi kayo gaanong magka-compatible ng ex-boyfriend mo sa zodiac sign mong Virgo at zodiac sign niya na Libra. Gayundin, ang birth date mong 2 ay hindi suweto sa birth date niyang 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3).
Bagama’t magkapitbahay na zodiac sign ang Virgo at Libra, kaya nagkaroon kayo ng relasyon ngunit ang ganu’ng ugnayan ay hindi naman gaanong magtatagal, sa halip, madali namang nagwawakas kapag hindi dinilig ng kalinga, romansa at tunay na pagmamahal.
Tulad ng nasabi na, dahil ang pagiging compatible ng Virgo at Libra ay nagaganap lamang sa ilalim ng ikatlong batas ng compatibility na kung tawagin ay “neighboring attraction”. Kung saan ang magkakapitbahay na planeta at zodiac sign ay natural na naghahatakan at naghihigupan ng lakas, ngunit sa sandaling kapwa napagod ang pusong nagmamahalan at nagkataong LDR ang nasabing relasyon, mauuwi rin ito sa pagkawala at tuluyang pagkatunaw.
Sa susunod na pakikipagrelasyon, upang lumigaya ka, mas makabubuting hanapin mo ang mga lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus, Capricorn, Pisces, Gemini at kapwa mo Virgo, higit lalo silang may mga birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 5, 14 at 23 kung saan ang mga lalaking ito ang tunay na ka-compatible mo. Gayundin, sa piling nila ay makasusumpong ka ng isang permanente at panghabambuhay na ligaya.
Ayon sa iyong Love Calendar, nakatakdang dumating ang nasabing ikalawang magiging boyfriend mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na ring pamilya, humigit-kumulang sa susunod na taong 2022, sa edad mong 22 pataas, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus.



header.all-comments