Na-friendzone… RITA, UMAMING NAINLAB KAY KEN, DINEDMA LANG
- BULGAR
- Jun 19, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | June 19, 2023

Sa naging rebelasyon ni Rita Daniela sa programa ng King of Talk na Fast Talk with Boy Abunda, inamin nito na na-fall siya kay Ken Chan nu’ng maging magka-love team silang dalawa noon.
Ngunit walang pinatunguhan ang feelings niya para sa aktor dahil hanggang matalik na kaibigan lang talaga ang tingin sa kanya nito. Kumbaga, nothing more and nothing less.
“Hindi talaga imposible na merong isa na ma-fall or both kayo ma-fall, when you are in a love team,” ang pagpapatotoo ni Rita na ngayon nga ay isang single mom na.
Dahil dito, balitang ngarag na ngarag ang mga supporters ng real-life sweethearts na sina Barbie Forteza at Jak Roberto, lalo’t nag-cross over na nga mula sa telebisyon papunta sa pelikula ang sikat na sikat na love team nina Barbie at David Licauco.
Natatakot daw ang mga fans ng magdyowang sina Barbie at Jak na baka mauwi sa kung saan ang BarDa tandem ng dalawa na marami ring supporters na humo-hopia na maging “sila” sa tunay na buhay.
Hmmm… what do you think, mga Ka-BULGAR?!





Comments