Na-allergy, inatake… DINA, IBINULGAR NA NAMATAY NA, PINABALIK LANG DAHIL ‘DI PA ORAS
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 17, 2026

Photo: IG _houseofd_official
Naniniwala ang aktres na si Dina Bonnevie na mayroon talagang life after death dahil siya mismo ay naranasan ito nang maging ‘clinically dead’ siya ilang taon na ang nakararaan.
“I got clinically dead in 1989. I was dead for 1 minute and 10 seconds because of severe asthma attack. Pero nakabalik ako,” kuwento niya sa solo pocket mediacon niya for Love is Never Gone (LING) kamakailan.
Ayon sa aktres, nag-guest daw siya sa show ni Alma Moreno noon na Loveliness at may performance sila together.
Pero may smoke machine raw sa studio at sobrang allergic siya rito kaya nakiusap siya kay Alma na alisin na ito.
Pero hindi raw naalis kaya habang nagpe-perform sila ay panay ang buga ng usok ng smoke machine. Kaya naman bago pa matapos ang number nila ay nahirapan na raw siyang huminga.
Isinugod daw siya sa ospital at hindi na raw siya nakakakita that time. Naririnig lang niya ang sinasabi ng mga doktor.
“Tapos, biglang tumahimik lahat. Sabi ko, ‘Oh, ok na pala ako,’ tumahimik na lahat. So, tumayo na ako ru’n from the bed,” kuwento ng aktres.
Niyaya raw niya ang sister na umuwi na, pero paghawak niya rito ay tumagos ang kanyang kamay.
“Sabi ko, ‘Where’s my hand?’ Then I looked at the bed, nandu’n ‘yung body ko. Sabi ko, ‘Nasaan ako?’ And then, I saw this cord from my neighbor to where I was. May silver cord na nakadugtong. Sabi ko, ‘Ano to?’” lahad ni Dina.
Hanggang sa napasok daw siya sa isang mahaba at madilim na tunnel at paglabas niya ay may mga boses siyang narinig.
“Tapos, biglang may nag-appear na light, a very bright light na papunta sa akin. Sabi ko, ‘Ano ‘yun?’” pagre-recall ng aktres.
“Parang the light just enveloped me. Sabi ko, ‘Ano to?’ Sabi ko, ‘Sobrang sarap ng feeling, ayoko nang umalis dito, parang this love, talagang 1001%, parang more than a mother’s love, more than a daughter’s love.’ Talagang parang I felt so loved by this light,” sey niya.
Kasunod nito ay nakakita raw siya ng screen kung saan ay ipinakita ang snapshots ng kanyang buhay.
Nang matapos na ang flashback ng kanyang life ay parang may boses daw na nagtanong sa kanya kung gusto raw niyang sumama. Pero bigla raw niyang nakita sa dulo ng tunnel ang eldest daughter niyang si Danica kaya nilapitan daw niya at paghawak niya sa kamay nito ay nagising na raw siya sa hospital.
Wala raw siyang sinabihan ng experience niyang ito dahil baka raw masabihan siyang sira ang ulo niya. Pero natatandaan niyang kumonsulta siya sa parapsychologist na si Jaime Licauco hinggil dito at sinabi raw sa kanya na may dahilan kung bakit siya pinabalik at hindi pa niya oras.





Comments