top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

‘Mystery parcel’, good buy o goodbye kwarta?

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2024
1 min read

@Editorial | Pebrero 7, 2024


Nauuso ngayon ang bentahan ng mga ‘mystery parcel’. Ito ‘yung mga produkto na ide-deliver pero hindi nakuha o nakarating sa dapat na pagbigyan o nag-order.


Kapag hindi naibigay sa dapat pagdalhan ang produkto, ibinabalik ng delivery rider sa online platform, seller o courier ang produkto. Inaalis ang pangalan ng dapat pagdalhan bago ibenta bilang mystery parcels.


Marami ang bumibili ng mystery parcels sa pag-asa na mas mahal ang laman ng kahon kaysa sa presyo na kanilang ibinayad kahit hindi nila nakita ang laman ng kanilang binili. 


Gayunman, ‘di lahat ng mystery parcel ay masasabing ‘good buy’, meron ding ‘goodbye kwarta’ dahil lugi.


Kaugnay nito, nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko laban sa pagbili ng mystery parcels. Maikokonsidera umanong nakaw na produkto ang mga ito. 


Maaari umanong ipa-take down ang online store, padalhan ng show cause order o bigyan ng notice of violation.


Base sa Anti-fencing Law, may parusa laban sa pagbili ng mga produkto na mula sa nakaw. 


Walang masama sa paghahanapbuhay basta legal at ‘di nakakaperhuwisyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page