My Jopay, magpapagpag ng kalawang sa SLLP Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 7, 2022
Matagal nang hindi nananalo sa karerahan si My Jopay kaya paniguradong gagawin ng hinete nito ang lahat upang makuha ang inaasam na panalo.
Nakatakdang sumalang si My Jopay sa Condition Race Merged na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.
Gagabayan ni jockey AS Pare, posibleng magbigay ng magandang laban kay My Jopay sina Refuse To Lose at Speeding Hero na sasakyan naman nina Oneal Cortez at Jeffrey Bacaycay ayon sa pagkakasunod.
"Mahusay naman si My Jopay, malalakas lang talaga mga nilalabanan pero ngayon malaki ang tsansa niyang manalo," sabi ni Johnson Lompot, veteran karerista.
May distansyang 1,400 meter race, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay sina Goldsmith, Rogelio at Messi.
Tiyak din na aabangan ng mga karerista ang bakbakan ng 11 kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa unang karera.
Dahil simula ito ng winner take all (WTA).
Posibleng magdomina sa bentahan sina Luke Skywalker at Red Sole, babaybayin nila ang 1,400 meter race.
Makakalaban nila Luke Skywalker at Red Sole sina Del Monte, Moves Like Jagger, Meteora, Yana's Silver, Filipino Emperor, Ariana, Princess Isabelle at magka-kuwadrang High Honours at Shelltex Magic.
Samantala, pitong karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI), suporatado ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Luke Skywalker (1), Meteora (7), Yana's Silver (8)
Race 2 - Joyful Princess (5), Pretty Meadow (1)
Race 3 - Happy Jullianne (9), Barayong (11), Red Hawk (7)
Race 4 - My Jopay (3), Rogelio (4)
Race 5 - Rhaegal (1), Meghan Maxene (2), Major Ridge (4)
Race 6 - Lucky Noh Noh (1), Medaglia D'amor (6)
Race 7 - Work From Home (1), Hook The Hustler (13), El Mundo (11)





Comments