top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

My Dad Bogart, sakalam sa Condition Race Turf

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 23, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 23, 2022


Bumilib ang mga liyamadista sa ipinakitang husay ni My Dad Bogart matapos angkinin ang panalo sa Condition Race (20) na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, Miyerkoles ng hapon.


Nirendahan ni jockey MP Laloma, inirehistro ni My Dad Bogart ang tiyempong 1:13.2 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner ang karagdagang premyo na P10,000. Hindi inapura ni Laloma si My Dad Bogart sa largahan, hinayaan nitong mag-ubusan ng lakas sa unahan sina Hold On at Bitcoin.


Papasok ng far turn ay pinausad na ni Laloma si My Dad Bogart kaya naman bago dumating sa huling kurbada ay kuha na ng winning horse ang unahan.


Hindi nagsayang ng pagkakataon si My Dad Bogart, lalo pang umalagwa sa rektahan para tawirin ang meta ng may apat na kabayong agwat sa nasegundong Hold On.


Tersero si Bitcoin habang pumang-apat si Broadway sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nagpakitang-gilas din si Antique Collector nang manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pangalawang karera.


Nagtala ng 1:13 minuto sa 1,200 meter race si Antique Collector para masikwat ang P10,000 added prize.


Samantala, inaabangan ng mga karerista ang magaganap na Klub Don Juan De Manila Juvenile Stakes race na aarangkada sa susunod na buwan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page