top of page
Dennis Trillo at Patrick Garcia - IG - YT Ogie Diaz.jpg

Musical director sa concert, award-winning… ICE, KA-LEVEL NA SINA ARIANA GRANDE AT JUSTIN BIEBER

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 6, 2026



SHEET - ICE, KA-LEVEL NA SINA ARIANA GRANDE AT JUSTIN BIEBER_IG _iceseguerra

Photo: IG _iceseguerra



Ang tarush ng Ice Sings! An Intimate Concert series ni Ice Seguerra dahil ang award-winning Filipino-American artist-producer na si Troy Laureta ang napiling musical director, kaya kaagad naming tinanong si Ms. Liza Diño kung sila ba ang nilapitan o sila ba ang nag-request dito.


Ayon sa creative director ng Ice Sings ay nauna nang nag-collab sina Ice at Troy sa Original Pilipino Music (OPM) album na Harana: The Sound of Us, na ini-release ng ABS-CBN Star Music noong Agosto 2025 at isinumite ito sa kategoryang Best Global Music Album for the 2026 GRAMMY Awards.


“Nagkaroon sila ng organic na collab, kumanta si Ice sa album ni Troy na Harana, so si Troy wants na magkaroon sila ni Ice ng some collaboration, and he had Ice in mind and then nag-reach out ako sa kanya, then nagsabi s’ya na, ‘Liz, I’m also interested actually going in the Philippines and to probably collab to some artists.’ Matagal na namin (Ice) ‘tong iniisip and it fell into place because of him (Troy),” kuwento ni Liza.


Nabanggit naming ‘halimaw’ sa entablado si Troy dahil napanood namin ang lahat ng videos niya at gusto namin ang version ni Loren Allred ng Araw Gabi sa concert nitong East Meets West, at ang duet nila ni Regine Velasquez na A Million Dreams, Kailangan Kita ni Pia Toscano, at duet nina Loren at Pia sa awiting Gusto Ko Nang Bumitaw.


Iba pa ‘yung collab ni Troy kina Ariana Grande, Justin Bieber at Nicole Scherzinger na hindi pa namin napapakinggan.


Nabanggit pa ni Liza na bago itong mapapanood sa show ni Ice dahil hindi lang siya ang makikita rito.


“He has his own show din,” saad pa.

Binanggit naming nilalaro ni Troy ang piano na siyang nagpapamangha sa audiences niya.


“Oo, my God, ang galing-galing n’ya!” sambit ni Liza.

At dahil maliit lang ang Music Museum (MM) at mahirap ipasok ang grand piano, kaya keyboard daw ang gagamitin ni Troy. 


Pero nag-suggest kami na kasya ang baby grand piano sa MM dahil may napanood na kaming gumamit nito dati.


“Ay, sige, sige, hanap ako ng baby grand piano,” sabi ni Liza sa amin.

Samantala, sa nakaraang concert ng Sessionistas ay nagkaroon ng isyu dahil sa pag-video ng ilang nakapanood at saka in-upload sa kani-kanilang social media account, kaya natanong sina Liza at Ice kung ipagbabawal ba nila ang paggamit ng cellphones during the Ice Sings shows.


Sabi ni Ice, “When we were in Solaire during the Sessionistas concert, it was asked, tinanong kami ng Solaire kung gusto naming ipagbawal, especially in the Theater. Naisip naman namin ‘yun pero ibabalik namin ang tanong sa amin, eh, kami fans din.


“Kami, ‘pag nanood din ng mga paborito naming singers at banda, we would take videos because we wanna watch it. Hello, ako sa The Corrs (concert), binidyo ko ‘yan. Mga favorite songs, ayaw din naming tanggalin ‘yun, ‘yung experience na ‘yun para may memorabilia. Ako, para I would go back to videos na isinu-shoot ko.”


Marami raw kasing nagpo-post lang sa social media nila para masabing nandoon sila at nanood for the experience at memory, pero kung ang intention daw ay kunan ng video ang buong show para pagkakitaan sa sariling platform, iyon ang hindi tama.


Anyway, mapapanood ang Ice Sings! An Intimate Concert sa November 6 at 7, 2026 sa Music Museum sa ganap na 8 PM, produced ng Fire & Ice Live at mabibili ang tickets sa TicketWorld.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page