top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Murray, bumawi sa Spurs, James, 50 puntos sa Lakers

BULGAR
Mar 13, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 13, 2022




Humabol ang San Antonio Spurs sa 4th quarter upang mabigo ang bisitang Utah Jazz, 104-102, at ibigay kay Coach Gregg Popovich ang karangalan na pinakamaraming panalo ng isang coach sa kanyang karera sa pagpapatuloy ng NBA kahapon sa AT&T Center. Ito ang ika-1,336 tagumpay ni Coach Pop sa kanyang 16 taon hawak ang Spurs simula 1996 na may limang NBA World Championship noong 1999, 2003, 2005, 2007 at 2014.

Itinulak nina kabayan Jordan Clarkson at Rudy Gay ang Jazz sa kanilang pinakamalaking lamang papasok sa huling 10 minuto, 81-66, subalit hindi sumuko si All-Star Dejounte Murray at pinangunahan ang pagbawi ng Spurs. Nagbunga ang kanilang tiyaga at naagaw ang lamang sa mga free throw nina Jakob Poeltl at Lonnie Walker IV na may 1:17 sa orasan, 96-95, at pinigil ng depensa ang balak lumapit ng Utah.

Nagtapos si Murray na may 15 ng kanyang 27 puntos sa 4th quarter at sinundan nina Poeltl at Walker na parehong may tig-15 puntos. Nilampasan ni Coach Pop ang alamat na si Coach Don Nelson na may pinagsamang 1,335 panalo sa kanyang panahon sa Milwaukee Bucks, Golden State Warriors, New York Knicks at Dallas Mavericks mula 1976 hanggang 2010.

Ipinakita ni LeBron James na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang maisalba ang kampanya ng Los Angeles Lakers at bumuhos ng 50 puntos sa kanilang 122-109 tagumpay sa bisitang Washington Wizards. Lugmok pa rin ang 29-37 Lakers sa pang-

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page