Muntik nang sumuko sa showbiz… BRENT, AMINADONG SUMIKAT LANG DAHIL SA PBB
- BULGAR

- Aug 5
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 5, 2025
Photo: Brent Manalo - IG
May agam-agam ang Pinoy Big Brother (PBB) Big Winner Duo na si Brent Manalo (with Mika Salamanca) nang pasukin niya ang showbiz.
Kung tutuusin, bale second chance ni Brent ang mapag-usapan sa showbiz.
Aniya sa isang panayam, “Ngayon, until now, hindi pa rin talaga masyado nagsi-sink in. Siguro, ‘yung pagkapanalo talaga namin, hindi s’ya expected para sa aming dalawa. Kaya ngayon, parang nananaginip pa rin.
“‘Yun ‘yung pakiramdam. Sabi ko, if ito (sa PBB), hindi pa talaga nag-work, I’ll take it as a sign na maybe it’s not really for me. Na may mga ganu’n talagang bagay na kahit you want it so bad or kahit gaano mo ipilit, it doesn’t work out. ‘Yun, I’ll take it as a sign na hindi siya para sa akin.”
Nag-umpisa ang kanyang career nu’ng 2018 nang maimbitahan siyang sumali at mag-workshop sa Star Magic. Pero, hindi siya nag-grow.
“Kasi naka-ilang subok na rin talaga ako. Kasi, I’m doing well with, like, my content—‘yung other aspect ko sa career ko. Pero, when it comes to showbiz, I was really struggling, kasi I have faced so many rejections. And parang, tingin ko rin, hindi siya para sa akin kasi nga it doesn’t work out. Like, bigla, magkakaroon ng boost, tapos bigla, baba na naman. Ganu’n-ganu’n. Yes. So, it’s like a yoyo — parang kumbaga, hindi consistent ‘yung trajectory.
“So, sabi ko, siguro ‘tong PBB — usually kasi ‘yung mga lumalabas sa PBB talaga, most of the time, they really come out very successful. Ang dami ring nangyayari sa mga careers nila,” pag-amin niya.
Lalo na raw mas nahirapan siya nang magka-pandemic.
Aniya, “It was always during my breaking point. It always happens for me during that time na, ‘Okay na ‘to, wala na. Okay na ‘ko.’ Even with this one, sa showbiz, like, a few — I think, 2023, na parang I would always pray every night na, ‘Lord, please help me make a name for myself.’ Like parang, tulungan N’yo ako sa ginagawa ko ngayon. Pero, it never came — like always na naibibigay talaga sa ‘kin nu’ng pumasok ako, parang puro rejections.
“So, parang it came to a point na sobrang pagod na ako, ayoko na. Parang the first time ever after praying every single day na, ‘Lord, please help me with my career.’ ‘Yung day na ‘yun, I was crying the whole day. Sabi ko, ‘Lord, ‘wag na. ‘Wag na ‘yun. ‘Yung prayer ko na lang—bukas, sana paggising ko, hindi na ito ‘yung pangarap ko. Sana, ibahin n’yo na lang, na iba na ‘yung gustuhin kong marating sa buhay.’”
Patuloy niya, “Pero ito, ito tayo, ito ako ngayon na kausap n’yo, even sharing this testimony of mine na, as long as you don’t give up on your dreams, nothing’s impossible.”
True ‘yan!
Batang alaga ng aktor sa Ang Probinsyano…
ONYOK, PANG-MATINEE IDOL, KAMUKHA NA NI COCO MARTIN
Naaalala pa ba ninyo ang batang si Onyok sa Ang Probinsyano (AP)?
Grabe, ang laki na niya ngayon at ganap nang binata.
Ang daming nagsasabing lumaki si Onyok na kamukha ni Coco Martin.
“Yes, parang magkamukha sila ni Coco. Sana, magkita silang dalawa.”
“Hala, kamukha na s’ya ni Coco Martin. Ang pogi.”
“Sana, puwede s’ya pumasok sa PBB Collab S2.”
“Matinee idol si Onyok. Sana, mag-artista s’yang muli.”
“Hahaha! I remember Onyok. OMG! Ang pogi ni Onyok, s’ya na pala ‘yan.”
“Sana, mag-guest siya sa Batang Quiapo. Hindi lang si Onyok, pati ang mga batang nakasama niya kay Coco sa Ang Probinsyano. Maiba lang.”
“Look-alike Park Bo Gum.”
GUEST si Jessy Mendiola sa A.S.A.P. last Sunday kung saan nagsayaw siya sa kanyang production number.
Siyempre pa, nag-react si Luis Manzano sa mga kuha ng misis niya. Ang mga larawang ipinost ni Jessy sa kanyang Instagram (IG) page ay nagpapakitang ipinagmamalaki niya ang kanyang hitsura.
Sa comments section, isa si Luis sa mga nagpahayag ng paghanga sa kanyang napakagandang misis.
“It feels so good to be back,” ani Jessy na maganda ang pose sa suot niyang leopard-print suit.
“May sumayaw ngayon. Salamat @asapofficial,” wika pa niya.
Ang tanging reaksiyon ni Luis, “Uhm… Hi,” na nakatunaw ng mga puso online dahil sa kanyang suporta at pagmamahal sa misis.










Comments