Municipal councilor sa Quezon, inambush, patay
- BULGAR
- Nov 18, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 18, 2022

Patay ang isang municipal councilor sa bayan ng Dolores, Quezon matapos ang nangyaring ambush ngayong Biyernes ng umaga.
Batay sa report ng Dolores Municipal Police Station (MPS), nakagawian na sa kanyang pag-eehersisyo ni Councilor Orly Barsomo ang paglalakad sa kanilang lugar, nang bigla na lamang lapitan ito ng suspek at barilin.
Dead-on-the-spot ang biktima, kung saan duguang bumagsak sa lupa habang isang vendor ang nakakita sa insidente na agad ding ini-report sa pulisya.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng Dolores MPS upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo nito sa pagpatay sa councilor.
Sinisiyasat na rin ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang lugar ng pinangyarihan ng krimen.





Comments