top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mula sa Brutal knockout ni Magsayo, Avelar ligtas na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 15, 2023
  • 2 min read

ni GA @Sports | December 14, 2023


Photo: Mark Magsayo / FB


Nasa mabuti na umanong kalagayan ang pinatulog ni dating World Boxing Council (WBC) featherweight champion Mark Magnifico Magsayo na si Mexican boxer Isaac Canelito Avelar na brutal na bumagsak sa ring matapos ang knockout punch na binigwas ng Pinoy at na-stretcher palabas ng arena.


Inihayag ni Magsayo na nagpadala na umano ng mensahe ang coach ni Avelar na nakalabas na ito ng ospital matapos sumailalim sa MRI, at naging maganda naman umano ang resulta ng naturang pamamaraan.


“I talked to Avelars coach today. He confirmed Isaacs MRI is all good, and he is back with his family, pahayag ng Pinoy boxer, kasunod ng paghiling ng taimtim na panalangin para kay Avelar matapos impresibong pagbabalik nito sa bagong dibisyon ng hindi na patayuin ang Mexican boxer na naging karelyebo lamang sa laban matapos na umatras ang orihinal na kalaban na si dating interim junior-lightweight champion Eduardo Ramirez.


Sa kanyang social media post ay nag-alay si Magsayo ng panalangin sa kaligtasan ng 26-anyos na tubong Aguascalientes, Mexico matapos ang laban. “I am praying for the safety of my opponent Isaac Avelar. In the end, we are boxers and outside the ring we are brothers, saad ni Magsayo sa kanyang Instagram Story.


We are fighting for our families and our countries. I hope Isaac is okay.


Isang solidong kaliwang hook sa panga ang pinadapo ni Magsayo kay Avelar upang bumagsak na parang troso halos sa labas ng boxing ring.


Nagtapos ang laban sa 1:13 ng third round at itigil ni referee Ivan Guillermo ang laban upang ihandog sa 28-anyos mula Tagbilaran City, Bohol ang kanyang ika-25th panalo mula sa 17 knockouts. Nagpaabot din ng ibat ibang panalangin at dasal sa social media para kay Avelar ang mga fans at tagasubaybay ng boxing

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page