top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mula Manila Bay hanggang West Philippine Sea

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 16, 2024
  • 2 min read

ni Fr. Robert Reyes @Kapaayapaan / Patakbo-takbo | June 16, 2024



Fr. Robert Reyes


Gaano kaya kalayo ang West Philippine Sea sa Manila Bay? Tiyak may sukat kung ilang nautical miles mula Manila Bay hanggang Ayungin Shoal o Bajo de Masinloc/Scarborough Shoal/Panatag Shoal. Anupaman ang sagot, iisa lang ang sasabihin ng maraming matagal nang lumalaban sa mga mananakop at ilang nagsisimulang mamulat at makisangkot, “Iisa ang ating karagatan. Kung nanganganib ang isang bahagi nito, nanganganib ang buong karagatan ng bansang Pilipinas.”


Ito ang diwang tumulak sa amin na magdaos ng isang pagkilos kasama ang kura-paroko at ang mga parokyano ng Our Lady of Remedies Parish, simbahan ng Malate.


Hindi madali ang paghahanda para sa naganap noong nakaraang Hunyo 12, Araw ng Kalayaan. Kinailangan naming humingi ng “permit” mula sa mayor’s office ng Maynila.


Nang dumating kami sa mayor’s office, kinailangan ding makipag-usap sa Western Police District. Ilang araw kaming pabalik-balik sa Manila City Hall, hanggang sa mismong araw, marami pa ring hinihingi ang mga opisyales sa amin. At malinaw bakit ganito ang kanilang postura sa planong pagkilos sa parteng Rajah Soliman Park sa harap ng simbahan ni Maria, Virgen de los Remedios sa Malate. Kasabay ng aming nais gawin, ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pangulo. Mapupuno ng mga opisyales kasama ng pinakamataas ang Quirino Grandstand. Malinaw na napakahirap makasabay ninuman o ng anuman ang ganitong kalaking okasyon.


Kaya bawal ang anumang sasakyan o tao sa parte ng Roxas Boulevard patungong Cavite. Binabantayan ang kahabaang ito ng kapulisan para sa kaligtasan at seguridad ng lahat ng dadalo sa nasabing lugar.


Bandang alas-3 ng hapon nagsidating ang ilang mga dadalo sa ‘Kandila, Bandila at Kampana Para sa Kapayapaan at Soberanya’. Naroon ang delegasyon mula sa Asilo de San Jose ng mga Daughters of Charity. Dumating ang grupo ng maralitang taga-lungsod mula sa Baseco Compound at iba’t ibang pamayanan sa mga estero ng Maynila.


Dumalo rin ang kinatawan ng Atin Ito sa pamumuno ng kanilang lider na si Rafaela “Paeng” David. Buong galak at siglang dumating ang mga parokyano ng Nuestra Senora de los Remedios ng Malate na pinamunuan ni Padre Jude Genovia. Maaga rin doon ang kaibigang may dalang tatlong malalaking kampana na nakasabit sa likuran ng isang elf truck.


Bandang alas-4:30 ng hapon nang sinimulan nating ayusin ang hanay ng mga grupo. Tumawid kaming lahat sa parte ng Roxas Blvd. sa tabi ng Baywalk. Mahaba ang linya dahil halos 500 katao ang nakiisa sa naturang kaganapan. Ang pinakaunang bahagi ng programa ay ang pagdarasal ng unang dekada ng misteryo ng Luwalhati. Sinundan ito ng tahimik na panalangin para lahat ng ating karagatan sa bansa. Pinalantad ko ang kanilang mga palad tungo sa Manila Bay. Hiniling kong isipin ng lahat ang West Philippine Sea at mga probinsyang nasasakop nito, habang tingnan nang maigi ang kagandahan ng ating karagatan. Pasalamatan ang Diyos sa

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page