Mula Hulyo 25-Agosto 22.. Guidelines sa SY 2022-2023 enrollment, inilabas na ng DepEd
ni Lolet Abania | July 23, 2022

Naglabas na ang Department of Education (DepEd) ngayong Sabado ng mga guidelines hinggil sa enrollment para sa School Year 2022-2023 na magsisimula sa Agosto 22.
Nakasaad sa DepEd Order No. 35 ang mga guidelines para sa school heads, mga guro, at mga magulang kaugnay sa bagong proseso ng enrollment, na magsisimula sa Hulyo 25 at magtatapos sa Agosto 22.
Ayon sa guidelines, ang enrollment ay ia-administer sa pamamagitan ng in-person, remote, at enrollment via dropbox forms.
Para sa in-person mode, sinabi ng DepEd na maaaring iproseso physically ng mga magulang at mga estudyante ang kanilang enrollment habang inoobserba ang minimum health and safety standards.
Para sa remote enrollment, maaari itong isagawa sa pamamagitan ng pag-fill out ng mga digital forms at ipapadala ang mga ito sa official email address ng paaralan o anumang available messaging platforms na ibinigay ng eskuwelahan.
Ang mga magulang at mga estudyante ay maaari ring mag-fill out ng mga forms sa kanilang mga tirahan at isa-submit ang mga ito physically sa pamamagitan ng mga drop boxes sa mga paaralan kung saan mag-e-enroll ang mga estudyante.
Ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, ang kombinasyon na in-person classes at distance learning ay ipapatupad mula Agosto hanggang Oktubre, habang ang 5-araw na face-to-face classes ay magsisimula sa Nobyembre.
Sinabi pa ni VP Sara, maaari na ngayong magbukas nang ligtas ang mga paaralan dahil patuloy ang mga health protocols na ipinatutupad sa huling dalawang taon.





Comments