Mula Dis. 9 - Enero 31, 2023… Voter registration, tuloy – Comelec
- BULGAR
- Oct 27, 2022
- 2 min read
ni Lolet Abania | October 27, 2022

Ipagpapatuloy na ng Commission on Elections (Comelec) ang registration para sa local at overseas voters mula Disyembre 9, 2022 hanggang Enero 31, 2023.
Para sa local voter registration, sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na ang mga qualified citizens ay maaaring magsumite ng kanilang documentary requirements at isagawa ang kanilang biometrics data captured sa Office of the Election Officer (OEO) o sa anumang satellite registration site na nasasakop ng hurisdiksyon ng lugar ng kanilang tirahan.
Maliban sa pag-fill-out ng form, ang mga aplikante ay kailangang magprisinta at magsumite ng kaukulang proof of identity na papayagan ng Comelec o nararapat na affidavit of identification na sinumpaan sa ilalim ng batas.
Para sa mga overseas voters naman na nagnanais na lumahok sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon sa Comelec, kailangan nilang i-transfer ang kanilang registration record mula overseas tungo sa local hanggang Enero 31.
Kaugnay nito, magsasagawaa ang Comelec ng pilot tests ng Register Anywhere Project (RAP) sa limang piling malls sa Metro Manila.
Ito ay gaganapin tuwing Sabado at Linggo mula Disyembre 10, 2022 hanggang Enero 29, 2023 maliban sa mga sumusunod na petsa: Disyembre 24, 25, 31, at Enero 1, 2023.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Laudiangco na ang Commission en banc, sa ngayon, ay nagdesisyon na magtakda ng period ng voter’s registration mula Disyembre 9, 2022 hanggang Enero 31, 2023, upang magbigay-daan para sa full pilot testing at pagkatapos nito ang pagsasagawa ng isang komprehensibong post-assessment sa inisyal na pagpapatupad ng RAP sa National Capital Region (NCR).
“Please note that the Commission, in its inherent power to extend the period for registration beyond January 31, 2023, ultimately intends to implement the RAP nationwide based on the lessons to be learned and challenges to be faced and hurdled in the NCR Pilot Testing,” sabi pa ni Laudiangco.





Comments