top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mula Agosto 5-Nob. 30 Bahagi ng Tomas Claudio St., Maynila, isasara — MMDA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | August 3, 2022



Isasara sa mga motorista ang bahagi ng Tomas Claudio Street sa Maynila simula sa Biyernes, Agosto 5, alas-10:00 ng gabi hanggang Nobyembre 30, 2022, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Batay sa advisory ng MMDA ngayong Miyerkules, ang 4-month road closure ay para magbigay-daan sa construction activities ng Skyway Stage 3.


Payo ng MMDA sa mga apektadong motorist, humanap pansamantala ng mga alternatibong ruta upang hindi na maantala sa kanilang pagbibiyahe.


Gayunman, nagbigay din ang ahensiya ng maaaring gamitin na alternatibong ruta ng mga motorista:


• Para sa mga magmumula sa Valenzuela Street, Sta. Mesa na papuntang Quirino Avenue o sa Beata St. Pandacan, dumaan sa Ramon Magsaysay Ave., kumaliwa sa Lacson Avenue (Nagtahan) at dumiretso sa Quirino Avenue o kumaliwa sa Jesus Street patungo sa destinasyon.


• Para sa mga magmumula sa Osmeña Highway papunta sa Valenzuela St., Sta. Mesa, dumaan sa Quirino Avenue papuntang Mabini Bridge at sa tulay down ramp kumanan sa Ramon Magsaysay Avenue, kumanan ulit sa Valenzuela St. patungo sa destinasyon.


• Para sa mga magmumula sa Osmeña Highway papuntang Beata St., Pandacan, dumaan sa Quirino Avenue at kumanan sa Tomas Claudio Street patungo sa destinasyon.


• Para sa mga magmumula sa Beata St., Pandacan papuntang Quirino Avenue -- ang mga light vehicles, dumaan sa Tomas Claudio St. papuntang Quirino Avenue hanggang sa makarating sa destinasyon habang ang mga long and heavy trucks o trailers, dumaan sa Jesus St. papuntang Quirino Ave. hanggang sa makarating sa destinasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page