top of page

Muhammad Ali, may sintomas na ng Parkinson's bago nagretiro

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2021
  • 2 min read

ni MC - @Sports | August 27, 2021




Balikan natin ang impormasyon na lumabas noong 2017 kung saan sa isang pag-aaral ay natuklasang nauutal ang World's Greatest Heavyweight Boxer na si Muhammad Ali, matapos ang ilang malalaking laban.


Dinanas ni Ali ang sakit na Parkinson's disease sa buong buhay niya kung kailan pa siya tumigil sa pagbo-boksing. Sa bagong pag-aaral nitong nagdaang ilang taon, nagsimula umano ang laban ni Ali sa Parkinson's bago pa man siya na-diagnosed na mayroon na siya nito.


Sa panulat ni Jonathan Eig, mula sa kanyang Ali's biography "Ali: A Life" (na nilimbag noong Oct. 3 2017), nakalahad doon ang pag-aaral kung paanong pautal-utal na pananalita ang siyang unang naging sintomas niya bago pa man siya nagkaroon ng Parkinson's


Sa kopya ng pag-aaral ni Eig, na iprinisinta noong 2017 sa Stokholm's Interspeech, nakuha ng ESPN Outside the Lines ang mga detalye. Natuklasan sa pag-aaral na bumagal ang pananalita ni Ali sa 16 percent makaraan ang 15-round na laban niya kay Ernie Shavers noong 1977.


Si Shavers, na isang brawler ay nakapagpadapo ng solidong 266 na suntok sa kabuuan ng laban. Maayos pa noon ang pagsasalita ni Ali, pero nang lumabas ang pag-aaral ni Eig mula sa natuklasan ng Arizona State speech scientists na si Visar Berisha at Julie Liss sa pamamagitan ng CompuBox, Inc., napansin nila ang pautal-utal o pabagal nang pabagal nang pagsasalita ni Ali noong panahon na humihina na ito sa pagboboksing.


Bumagal ang kanyang pagsasalita sa 26 percent sa pagitan ng edad niyang 26 at 39. Sa pag-aaral, nagsimulang mautal si Ali noong 1978. Nagretiro siya sa pagboboksing noong 1981 sa edad na 39 at na-diagnosed noong 1984. Kaya naman ang kanilang pag-aaral sa speech patterns ni Ali ay may kaugnayan sa maagang sintomas ng Parkinson's


Ang pabagal nang pabagal na pagsasalita ay naugnay din sa peligrong hatid ng head trauma o iyong dami ng suntok na tumama sa ulo. "It's very practical and would be another important step allowing a year-by-year look at brain function," sabi ni Eig sa ESPN.


Kinatigan ni Liss ang evaluation ni Eig. "Speech analytics are a useful tool in tracking the effectiveness of efforts at intervention and in the development of drugs and other treatments for neurological diseases," aniya naman.


Idinagdag ni Eig na sadyang mapanganib ang susunod na laban ng boxers makaraan ang maraming taon ng bugbog na tinanggap ng ulo at katawan. "Ali did damage to himself and he knew it and kept boxing too long, but he didn't have the information we now have about CTE -- you don't have to wait until you're middle-aged to stop," paliwanag niya. Si Ali ay may career record na 56 wins, 5 losses at 37 knockouts bago siya nagretiro. .Yumao si Ali noong Hunyo, 2016 sa edad na 74.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page