MPPT: Abra vs. Titans sa finals, Alfonso Siklab yuko sa semis

by MC @Sports News | October 5, 2026

Photo: Ang Alfonso Siklab team nang bumanat sa semifinals kontra Abra sa Maharlika Pilipinas Pickleball Tour MPPT sa Pickleball Central PH sa Angeles City, Pampanga kahapon. (mppt)
Lusot na sa finals ang Abra River Paddlers makaraang walisin ang Alfonso Siklab, 3-0, matapos talunin ng pares nina Allen Manlangit at Shy Mae Gatalan ang pares nina Al Quiza at Karyll Salas ng Alfonso sa unang mixed doubles, 11-9 ng Maharlika Pilipinas Pickleball Tour sa Championship Day kahapon sa Pickleball Central PH Angeles City, Pampanga.
Unang lumamang ang Abra ng 2-0 sa semifinals matapos talunin ng pares nina Patricia Raymundo at Macy Ybañez sina Novi Melendez at Meds Saraza ng Alfonso sa women’s doubles, 11-6. Nakuha naman Alfonso Siklab ang kontrol sa men’s doubles, 11-7 na sinundan ng nakakakumbinsing 11-3 na panalo sa women’s doubles at 11-4 na tagumpay sa mixed doubles 1. Ang tagumpay na iyon ang nagtakda sa semifinal meeting laban sa Abra.
Samantala, lusot din sa finals ang Parañaque Titans at makakaharap ang Abra habang isinusulat ito kagabi. Sina Leander Lazaro at Sarah Jane Lim ang naghatid sa Parañaque sa final na may 3-1 series win matapos talunin sina Joma Pague at Noelle Zoleta ng Rizal Illustrados, 11-7.
Ipinagpatuloy ng Parañaque Titans ang kanilang malinis na record kontra Batangas Bangers, 3-0, upang masiguro ang kanilang puwesto sa semifinals.





Comments