top of page
Search
  • BULGAR

MPD: Ramon Tulfo, arestado sa cyber libel

ni Lolet Abania | May 18, 2022



Inaresto ang kolumnista at dating special envoy for public diplomacy to China na si Ramon Tulfo dahil sa cyber libel ngayong Miyerkules, ayon kay Manila Police District (MPD) director Police Brigadier General Leo Francisco.


Bandang alas-10:30 ng umaga, hinuli si Tulfo at dinala sa opisina ng Special Mayor’s Reaction Team (SMART) sa Manila City Hall. “He is still in our SMART’s office at City Hall. His case is libel,” ani Francisco sa isang mensahe sa GMA News.


Ayon sa MPD public information office (PIO), ang SMART personnel ang umaresto kay Tulfo. Sa initial report mula sa MPD, dinakip si Tulfo base sa warrant na inisyu ni Manila Regional Trial Court Branch 24 Presiding Judge Maria Victoria A. Soriano-Villadolid.


Ito ay may kaugnayan umano sa paglabag ni Tulfo sa Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.


Bago pa inaresto, isang Atty. Lean Cruz, counsel ni dating Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, ang nag-inform sa MPD hinggil sa kaso at humingi ng police assistance upang hulihin si Tulfo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page