Mount Dukono sumabog, 3 hikers, todas
- BULGAR

- 5 hours ago
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @Overseas News | May 10, 2026

Nasawi ang tatlong hikers matapos ang pagsabog ng Mount Dukono sa Indonesia nitong Biyernes.
Ayon sa mga otoridad, nailigtas ng mga rescuers ang mga nakaligtas mula sa grupo ng 20 hikers na naiulat na nawawala matapos ang pagputok ng bulkan. Karamihan sa mga survivors ay naibaba na mula sa bundok, habang dalawa sa kanila ang naiwan upang tumulong sa paghahanap sa mga labi ng mga kasamahan.
Iniulat ng mga opisyal na kabilang sa grupo ang siyam na turista mula sa Singapore, na umakyat sa bulkan sa kabila ng umiiral na climbing ban dahil sa aktibidad nito.
Batay sa Volcanological Survey of Indonesia, sumabog ang bulkan bandang alas-7:41 ng umaga (local time), na nagbuga ng makapal na abo sa kalangitan at nagdulot ng panganib sa mga nasa paligid.
Ang Mount Dukono ay kilala bilang isa sa pinaka-aktibong bulkan sa Indonesia at madalas na dinarayo ng mga hiker at turista, sa kabila ng patuloy nitong pag-aalboroto.





Comments