Motorsiklo, papayagan na sa bike lane sa Valenzuela City
ni Lolet Abania | December 19, 2022

Papayagan na simula sa Disyembre 25, 2022, ang mga motorsiklo na gumamit ng bike lanes sa Valenzuela City.
Sa isang advisory ngayong Lunes, ayon sa lokal na gobyerno ng Valenzuela, ang mga single motorcycles ay maaari nang dumaan sa designated bike lane sa kahabaan ng MacArthur Highway mula Lunes hanggang Biyernes.

Gayunman, ang mga tricycles at pedicabs ay hindi pa rin pinapayagan sa nasabing highway.
Sa isang video na nai-post sa Facebook, sinabi ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na ang mga motorcycles na gagamit ng designated bike lane ay dapat na iobserba ang 20kph maximum speed limit.





Comments