top of page
BULGARY - ALEX EALA, TAGILID MAGMULTA NG P620K, SEN. TULFO, TO THE RESCUE-IG _alex.eala &

Motor, sumampa sa center island, tumilapon... Lady rider at angkas, nagulungan ng MPV, dedo

Writer: BULGAR
BULGAR
44 minutes ago
1 min read

by Janice Baricuatro @News | September 19, 2026



Motor, sumampa sa center island, tumilapon... Lady rider at angkas, nagulungan ng MPV, dedo

Photo: File



Patay ang isang babae at kanyang angkas matapos sumampa sa center island ang kanilang motorsiklo at tumilapon sa kabilang lane bago nagulungan ng Multi-Purpose Vehicle (MPV), kamakalawa ng gabi sa Daanghari Road, Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite.


Kinilala ang mga biktima na sina alyas Myra, 49, safety officer, at ang kanyang backrider na si Paul, 42, kapwa residente ng Muntinlupa City.


Ayon sa pulisya, alas-10 ng gabi nang mawalan ng kontrol ang motor at sumampa sa center island. Tumilapon ang dalawa sa kabilang lane at doon nasalpok at nagulungan ng MPV na minamaneho ni alyas KC-Lyn, 30, engineer, ng Dasmariñas.


Tinangka pang umiwas ng driver ngunit nasagi naman nito ang isang motor na minamaneho ni alyas Simon, 25, na sakay si alyas Laine, 22. Kapwa nagtamo ng sugat ang dalawa at patuloy na inoobserbahan sa pagamutan. 


Hawak na ng pulisya si KC-Lyn at nahaharap sa kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page