Motor, sumalpok sa poste... Groom at bride-to-be, patay
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 20, 2026

Circulated / CCTV
Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang magkasintahan makaraang bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang poste sa Busay, Cebu nitong Martes ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina "John," 27 at "Rose," 25.
Batay sa video na kuha ng CCTV sa lugar, umiwas ang motorsiklo sa kasalubong na sasakyan, subalit gumewang ito at dumiretsong sumalpok sa kongkretong poste.
Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang magkasintahan sa gilid ng kalsada na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.
Nabatid na nakatakdang ikasal ang magkasintahan sa susunod na buwan.
Napag-alaman ng pulisya na sinundo ng lalaki ang kasintahan sa trabaho at pauwi na sila nang mangyari ang trahedya.





Comments