DOH, isinusulong ang responsableng pag-uulat ng suicide

ni Mylene Alfonso @News | September 22, 2026

Photo: DOH
Bilang paggunita sa Suicide Prevention Month tuwing Setyembre, nagsagawa ang Department of Health (DOH) ng Mindful Media: Capacity Development on Responsible Reporting and Ethical Portrayal of Suicide upang palakasin ang responsable, makatao, at batay sa ebidensiyang pag-uulat tungkol sa suicide.
Ipinaliwanag ni Jason Roque, officer-in-charge division chief ng DOH Health Promotion Bureau, na mahalagang mabigyan ng tamang impormasyon ang publiko dahil maraming maling paniniwala tungkol sa suicide.
Aniya, ang pagnanais na wakasan ang sariling buhay ay hindi permanente at maaaring maiugnay sa pansamantalang sitwasyon tulad ng suliranin sa relasyon, pinansyal na problema, alitan, sakuna, karahasan, pang-aabuso, at matinding pagkabigo.
Hinimok din ng DOH ang publiko na gumamit ng mas angkop na mga termino tulad ng “died by suicide” sa halip na mga salitang maaaring magpalala ng stigma.





Comments