top of page
Search
  • BULGAR

Most important stars ngayon… MARIAN AT KIM, BAGONG NORA AT VILMA

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 28, 2024



Tipong ang pinakasikat ngayong artista sa Kapamilya Network ay si Kim Chiu simula nang mapabalitang hiwalay na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim, at ngayon nga ay nababalitaang ang bago niyang karelasyon ay si Paulo Avelino na nakasama niya sa seryeng Linlang at ngayon ay sila pa rin ang magkatambal sa TV series na What's Wrong with Secretary Kim. 


Sa Kapuso Network naman, ang itinuturing na big star ay walang iba kundi ang kanilang Primetime Queen na si Marian Rivera, lalo na nang tanghaling biggest blockbuster ang kanilang Rewind movie, with her husband na si Dingdong Dantes nito lang nakaraang MMFF 2023. At ngayon, ipinapalabas na ito sa online streaming platform na Netflix.


So, itong sina Kim Chiu at Marian Rivera ang target ngayon ng mga Marites at tribu ni Mosang at ng ilang vloggers para ikumpara sa isa't isa at gawing mala-Nora Aunor at Vilma Santos in the making. 


Boom! ‘Yun na!


‘Niwey, ngayong may bagong serye si Marian Rivera sa Kapuso primetime titled My Guardian Alien, kung saan ang leading man niya ay si Gabby Concepcion na puring-puri ng misis ni Papa Dingdong du’n sa mediacon ng My Guardian Alien, habang umaarangkada naman ang What’s Wrong with Secretary Kim ni Kim Chiu na nakakuha ng magandang ratings kahit sa first 5 episodes nito sa online streaming platform, malamang na pagsabungin din ang dalawa. 


Pero dahil pareho na silang nasa GMA Network ngayon ay may chance na magkasama sila sa isang serye o pelikula. Pareho kasi silang most important stars ng parehong network lalo’t itong si Kim ay umuusbong na, at si Marian naman, bumabalik sa pag-arte matapos ang ilang taon. 


Let’s see ano’ng magaganap sa kanilang dalawa.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page