top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

More pabahay para sa mga karapat-dapat na pamilya

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2023
1 min read

@Editorial | Pebrero 1, 2023


Isinagawa kahapon ang groundbreaking sa housing projects sa Lungsod ng Quezon, sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program.


Sa unang phase sa Batasan area’s redevelopment project ay kabilang ang construction ng dalawang 33-storey buildings na may kabuuang 2,160 housing units.


Napakaswerte ng mga pamilyang mabibigyan ng pagkakataon na mapabilang sa mga benepisaryo nito.


Maraming pamilya ang gustong magkaroon ng sarili at disenteng bahay, subalit walang kakayahan. May iba na todo-kayod para makakuha ng hulugan, ‘yung sabay na ang pagbabayad hanggang sa magretiro.


Kaya nakakalungkot ‘pag may mga nakikita tayong pabahay na nakatiwangwang lang, nabubulok na lang nang hindi natitirhan. Habang may iba ring pabahay na hindi naman inaalagaan ng mga nabigyan. Maayos na ibinigay pero binaboy lang.


Nakapanghihinayang, sana ay napunta na lang sa mga karapat-dapat na pamilya.


Sa ganitong pangyayari, sana ay natuto na ang gobyerno. Dapat nang magkaroon ng mga panuntunan para hindi na maulit ang pagsalaula sa mga itinatayong pabahay.


Salaing mabuti ang mga bibigyan, alam naman natin na may iba na tila sinisindikato pati ang programa ng pamahalaan. Idedemolis, bibigyan ng maayos na tirahan pero pauupahan naman o ibebenta saka babalik sa ilegal na paninirahan.


Nauunawaan naman natin ang hinaing ng iba na hirap silang lumipat sa pabahay dahil unang-una, malayo sa trabaho.


Kaya napakalaking bagay na nakakapagpatayo na sa lungsod, dito sa Metro Manila.


Ang pakiusap lang sa mga mapapalad na benepisaryo, alagaan natin ang bahay na ipagkakatiwala sa atin.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page