top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Morant, nagsabog ng 52 puntos, Heat, tinambakan ang Bulls

BULGAR
Mar 2, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 2, 2022



Tinambakan ng Miami Heat ang Chicago Bulls, 112-99, sa banggaan para sa taas ng NBA Eastern Conference kahapon sa FTX Arena. Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Heat kontra Bulls ngayong taon at maaaring magsabi sino ang magiging numero uno papasok sa playoffs sa Abril.


Matalas ang Heat ni kabayan Coach Erik Spoelstra sa ika-41 na panalo at lumamang ng 91-67 matapos ang tatlong quarter. Kahit hindi na pumuntos sa 4th quarter, nanguna pa rin sa Miami si Gabe Vincent na may 20 puntos.

Binugbog ng bisitang Toronto Raptors ang Brooklyn Nets, 133-97, sa likod ni rookie Scottie Barnes na double-double na 28 puntos at 16 rebound. Nagulat ang Nets matapos pumasok sa health protocol si Coach Steve Nash ilang oras bago ang laro.

Nagtala ng bagong personal record si Ja Morant at nagsabog ng 52 puntos sa 118-105 tagumpay sa San Antonio Spurs.

Naglaro lang ng 34 minuto si Morant at sinuportahan ni De’Anthony Melton na nag-ambag ng 15 puntos bilang reserba. Bumalik sa aksyon matapos mapilayan ng tuhod 13 buwan na ang lumilipas si Markelle Fultz at tinulungan ang Orlando Magic sa 119-103 pagwagi sa Indiana Pacers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page