top of page

'Monster' Inoue at Cool Fulton bakbakan na, Tapales abangers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 25, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | July 25, 2023




Parehong aminado sina WBC/WBO titlist Stephen “Cool Boy Steph Scooter” Fulton at dating undisputed bantamweight kingpin Naoya “Monster” Inoue na hindi pa nakakalaban ang klase ng boksingero gaya ng isa’t isa sa kanilang 12-round World title fight ngayong Martes ng gabi sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan.


Magsasalubong ang landas ng dalawang walang talong boksingero na paniguradong makakatapat para sa undisputed 122-pound title si unified International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Association (WBA) champion Marlon “Nightmare” Tapales ngayong taon. “I don’t think I’ve ever fought an opponent like Fulton, but at the same time, Fulton can say the same for me,” wika ni Inoue. “I believe in my mindset.


I believe in my abilities. There’s nothing I can’t out-think. I didn’t take this fight to go out there for money.


That’s what other guys wanna do."


Mag-aabang at maghihintay sa isang magandang pwesto sa ringside si Tapales (37-3, 19KOs) sa magiging resulta ng bakbakan para sa 12-round unified championship na paniguradong makakatapat niya sa isang undisputed 122-pound battle ngayong taon. “I want to send a message to the two fighters who will see me ringside,” wika ni Tapales na maghihintay na matapos ang laban sa mismong lugar upang hamuning makatapat para sa undisputed championship ngayong taon. “Whoever wins has to go through me next.”


Inaasahan ng 31-anyos na tubong Tubod, Lanao del Norte na magiging mabigat ang kakaharaping pagdepensa sa titulo na matagumpay na naagaw ang dalawang titulo kay Murodjon Akhmadaliev ng Uzbekistan sa bisa ng split-decision nitong Abril 8 sa Boeing Center sa Tech Port, San Antonio, Texas upang magkaroon ng malaking tsansa para sa unification title bout sa hinaharap.


Subalit mas pinaghahandaan ng 5-foot-4 southpaw ang dating undisputed champion na Japanese slugger. Nauna ng inihayag ni Tapales na mas nais niyang makatapat si Inoue na nagpatumba sa maraming Filipinong boksingero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page